Friday, June 16, 2017

Break Shot (Part 5)

Break Shot (Part 5)
By: Andrey

"Bhest, kelan mo sasagutin si Matthew? Halos isang buwan na siyang nanliligaw sayo ah. Remember, 3rd grading na...malapit na ang bakasyon!" Ang sabi ko kay Ella isang beses.

"Ewan ko bhest. Ayoko din namang magpadalos-dalos ng desisyon. Baka pagsisihan ko. Getting to know period pa lang naman kami eh."

"Ang sakin lang, grab the opportunity. Ikaw na rin ang nagsabing si Matthew na yan. At saka, mabait naman siya diba? Mahal mo siya, mahal ka niya. Oo na lang ang kulang."

"I'm afraid na may mga masasaktan ako kung maging kami na. Si Hanna, diba 2nd year pa lang head over heels na yun kay Matthew?"

Napaisip naman ako. Ako din, masasaktan siguro kung magiging kayo na.

"Ella, listen, ha? Presently, may 50 students dito sa school na tagahanga ni Matthew. Ang ratio ay 5 kada section. Kung lahat sila iisipin mo, kung lahat sila ayaw mong masaktan, pwes, ngayon pa lang, bastedin mo na ang nanliligaw saiyo." Ang sabi ko. Exaggerated yun pero based on fact naman. Madami talagang tagahanga si Matthew.

"Ganun? Andami naman. Pwede na silang gumawa ng fan club ah. Tapos ako ang President. hehehe." Natawa siya sa idea na siya mismo ang president ng fan club ng boyfriend niya.

"O kaya, ikaw na ang enemy ng bayan. hehe. Joke lang. Baka matakot ka pa. Basta pag ready ka na, go ka na lang bhest." Ang sabi ko sabay kindat sakanya.

"Teka teka, Andrey, mayroon kang utang saakin! Diba noong araw na sinabi kong manliligaw si Matthew, may sasabihin ka rin noon diba? May kasunduan tayo, diba?" Ang sabi niya while forming ang evil smile on her face. Natawa ako doon.

"Hayy. Tama ka bhest, wala ngang gusto saakin yung newfound happiness ko. May mahal na siyang iba." Ang sabi ko.

"Ganun? Kawawa naman ang bhest ko. Nasaktan ka ba?" She immediately pulled out a sad look.

"Hindi ah. Not the slightest bit. I'm happy for them pa nga eh."

"Talaga? Wehh...I don't believe you. Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga pinag-gagawa mo these days? Panay ang absent mo, bigla ka na lang natutulala, tapos yang mata mo...yang mata mo ang hindi makakapagsinungaling. Halatang halata na may pinagdaraanan. I'm starting to get worried na nga eh. Sino ba kasi yun?"

"Si Sparkles." ang sagot ko sabay ngiti na parang naka-score sa isang laro.

"Sparkles? Anu yun? Aso ng isang mayamang lolita?"

"haha. Hindi siya aso bhest, bangungot siya. hehe."

Mabuti na lang at tumunog na ang bell. I've been very supportive naman para kay Ella. Kahit halos lahat ng lumalabas sa bibig ko ay taliwas sa sinasabi ng puso ko, nagpapakamartyr na lang ako. Sa side naman namin ni Matthew, hindi ko na hinayaan pang sumibol ang pagkakaibigang itinanim niya. Tinabunan ko na iyon ng matigas na lupa. Medyo umiiwas na rin ako sakanya. Halimbawa kapag tatawagin niya ako, nagbibingi-bingihan lang ako. Kapag magkakasalubong kami sa daan, tumatalikod ako at nagpapanggap na may naiwan kung saan man ako nanggaling. Kapag ligaw session niya naman kay Ella, umaalis ako at nagpupunta sa library kunyari gumagawa ng homework. So far kalbaryo talaga ang nangyayari. Nagseselos ako kapag nakikita ko sila, pero part of me is also happy for them. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. But what kills me most ay ang mga pag-iwas ko sakanya. I want to see him everyday, i want to spend time with him, i want to hug him, i want to say things i can't say to him, pero heto ako, iwas pusoy sakanya. Parang siyang ice cream na nanjan lang, pwede kong sunggaban, pero bawal. At tulad ng ice cream, unti-unti na rin siyang natutunaw. Siguro nayamot na siya sa mga pag-iwas ko kaya habang tumatagal, hindi na rin siya nag-eeffort na lumapit saakin. Hindi ko tuloy alam kung masisiyahan o malulungkot ako sa ginawa niyang iyon. Kasalanan ko ba?

Isang umaga, napa-aga ulit ang pagpasok ko sa room. To my surprise, naroon sa may pintuan si Matthew, nagbabasa ng libro. Aatras sana ako ngunit inangat niya naman yung ulo niya at nakita ako. Kung tatalikod ako siguradong mahahalata niyang iniiwasan ko siya. Kaya nilakasan ko lang yung loob ko at nagpatuloy. Noong nasa tapat ko na siya, binati niya uli ako ng good morning. Parang boses ng anghel ang narinig ko. Feeling ko rin kumakanta siya pag sinasabi niya yung name ko. hehe. Kahit masakit, nasisiyahan pa rin ako sa ganoong instances. Ang gulo ko. grr.

So binati niya ako, at napatigil naman ako sa paglalakad. Nagulat din siya noong tumigil ako at nagkunot noo parang nagsasabi ng "oh bakit, binati lang kita ah.:

"Matthew, lahat ba binabati mo ng ganoon?" Ang tanong without looking at him. Baka mawala ang focus ko.

"ah...hin....oo...lahat. Siyempre. hehe. Pampaswerte yun para hindi malas and araw ninyo." Ngumiti siya.

Tumango lang ako at saka huminga ng malalim.

"From now on please don't greet me that way. Naiirita ako. At minamalas ako sa buong maghapon." Mataray kong sabi sabay upo sa upuan ko. Nakita kong sinundan niya ako ng tingin at puno ng ??? yung isip niya. Something inside me ay nagsisi na sinabi ko iyon. I will surely miss his way of saying my name and his cheerful greeting. Pero ano pa't nagpadala na naman ako sa galit. Galit na ano? na nalaman kong he does that to everyone else? o galit dahil all evidence shows na wala lang talaga ako sakanya. or perhaps both. Gusto ko lang malaman niya na nasasaktan ako sa mga nangyayari. But then i guess i'm showing it the wrong way.

Simula nga noon ay hindi na ako binati pa ni Matthew. Hindi na rin siya nag-aabang doon sa may pintuan. Naisip ko tuloy ako ba talaga ang inaabangan niya doon? Pero IMPOSIBLE. Kaya nilagay ko na lang sa isip na baka may iba pa siyang dahilan. That night, i wrote:

Dear Diary,

Tuluyan nang lumayo ang dream ko. Pinagtabuyan ko ba siya? Hindi. And perhaps i have all the reason to do so. He deserves it, doesn't he? Seriously speaking, i haven't found my true dream yet. My ambition. The one i will pursue in college. Sparkles said tutulungan niya ako pero now he's busy helping himself pero asan naman siya ngayon?

Lalo naman ako nasasaktan noong hindi na nagpapakita ng sweetness si Matthew saakin. Kahit ang mga ngiti ay super tipid na. Kapag nanghihinayang ako, sinasabi ko sa sarili na i deserve it because i wanted it. At ngayong hindi niya na ako naco-confuse, i feel like i've lost something. Hayagan na ring niligawan ni Matthew si Ella kahit sa room. Pag may report, sinasabi niya "I would like to acknowledge the presence of the person who owns my heart, Ella Martinez." At saka hiyawan naman ang klase. Tinitingnan niya ako pakatapos sabihin iyon ngunit ngumingiti din akong pilit at pumapalakpak kahit nahuhuli na. I'm looking like a fool pero okay lang. As long as hindi niya na isipin na nagseselos ako. Well sa ganoong mga times naman, lagi kawawa ang tagiliran o braso ko kay Ella. Kapag kinikilig ba ang mga babae, normal na ang pumapalu-palo, kumukurot-kurot ng kung sinong katabi? Hayys. Pero somehow, i still feel happy na masaya si Ella kay Matthew. If i will narrate kasi ang story ng first love ni Ella, it would take two chapters full of pain and longing. Kaya noong marinig ko ang story ni Ella, i sincerely hoped for the best para sakanya. And now nagkatotoo naman. Sa taong mahal ko nga rin lang.

Ang bukid naman ang naging santuaryo ko. Nakagawian ko na ang pumunta sa may niyog pakatapos ng klase sa hapon at doon magpalipas oras. Doon ko isinusulat lahat ng nararamdaman ko. Siguro dahil doon kaya rin na-practice ang writing skills ko na napansin ng English teacher namin thru our journals.

One time, my science teacher demanded na ako ang mag-report ng output namin. Pero ayaw ko dahil nahihiya ko. Ngunit talagang mapilit siya at nagbantang walang makukuhang grade ang grupo namin kapag hindi ako ang nag-report. Kaya, with everyone's eye following every step i make, tumayo ako sa gitna ng room. Alam ko ang sasabihin ko dahil idea ko naman yung irereport ko pero napipi ako noong makita yung mga mala-lobong mata ng aking mga kaklase. Then sabi ko kay teacher "I can't do it, mam." Ibinaling ko ang tingin kay Matthew, ngumiti siya at sinabing kaya ko yan. Somehow nakakuha ako ng lakas doon, and before i knew it, tapos na ako magreport.

Our science teacher said noong evaluation na ng output and report "Andrey has a great reporting ability. Kailangan lang ng practice. There is something in him na will make you stop ang listen to what he says, right students?" Nag-agree naman ang mga kaklase ko. "Let's give Andrey a good job clap everyone." Tumingin saakin si Matthew at nginitian ako. I smiled back. At dahil lang doon, napuno na naman ng happiness and hope ang puso ko. And then i said to myself "i'll try na ipaglaban ang nararamdaman ko kay Matthew. If i fail, then i would end it talaga."

So simula noon, i tried na ibalik lahat ng nawala saamin ni Matthew. I gave a chance na tumubo yung seed na tinanim ni Matthew. I did it by doing the things that matthew did to me. Ako na lagi ang nag-greet sakanya. Ako ang nauunang mag-smile. Sinusubukan ko na siyang kausapin. Pero pag nililigawan niya si Ella, back off ako. May isang group activity noon at nagkaroon ng shuffle sa mga members ng group. At nagkataon na napunta sa grupo ko si Matthew, at naalis naman si Ella. Naiilang ako kaya noong magbigayan ng idea, natameme ako. So yung idea ni Matthew ang ginamit namin. It worked naman, only that mayroon akong mas better na idea para mapaganda pa sana iyon. So kinausap ako ni Matthew noong break time.

"Andrey ba't hindi ka nagsasalita kaganina? Ayaw mo bang ka-grupo ako?" Tanong niya. Tsk. Tsk. He's so bad in approaches. Masyado siyang direct to the point.

"H-hindi ah." Bawi ko agad. Afraid that he will think na iniiwasan ko uli siya. "Medyo masama yung pakiramdam ko eh."

That sent him in a quick panic. Namilog yung mata niya tapos pinatong yung kamay niya sa ulo ko. Natawa ako dahil hindi naman lagnat yung sakit ko.

"Ano nararamdaman mo? May dala ka bang gamot? Kumain ka na ba? Gusto mo bilhan kita sa canteen?" Ang sunod-sunod niyang tanong. Tumawa lang ako. Tumawa din siya at saka ginulo-gulo yung buhok ko.

"Relax lang Matt. hehe. Masyado kang hot." Hot nga naman siya. hehe.

"Nag-aalala lang po! Malay mo maulit na naman yung nangyari saiyo. Ambigat mo kaya." He said jokingly.

At pagkatapos noon ay bumalik na kahit papaano ang tiwala at pakikisama ko kay Matthew. Bumalik na yung dati naming relationship as....as....as ano nga ba? Lahat ng iyon ay isinusulat ko lagi sa diary. Pati yung mga lines na nagpapakilig saakin. Pero ewan....playful lang talaga ang tadhana.

Isang araw, pagpasok ko sa room, Matthew was talking to his friends and i sense a different aura in him. At yung ngiti - yung ngiti na kakaiba, the one that i wished i could give, ay suot suot niya. He seemed so vibrant and happy. Kinilig naman ako...Dahil ba yun sakin? Dahil ba back to normal na kami?
Pumunta na ako sa upuan ko ngunit may tatlong kaklase akong babae na nakaupo doon at nagtatawanan kasama si Ella. Binibiro pa nila si Ella at kinu-kurot sa tagiliran. "Ang swerte mo, girl" Narinig kong sabi ng isa. Tumawa uli sila ng malakas na naka-agaw ng atensyon ng grupo nina Matthew. Tiningnan ko si Matthew, ang he looked at Ella. The look was something else, sweet, proud, caring, and passionate. Tapos ngumiti siya, yung distinctive niyang ngiti na lagi kong hinihiling na maibigay ko sakanya. Tinangnan ko si Ella, balik kay Matthew. At pagkatapos ay lumapit ako kay Ella and she blurted out... "bhest, kami na..."

I swear my whole world shattered during that split seconds. Parang nabingi ako sa ingay ng room, sa hiyawan ng klase. Siguro mga 10 seconds bago ako natauhan.

"Bhest! Huy! I said kami na...sinagot ko na siya today!" Magiliw na sabi ni Ella saakin. Gusto kong ngumiti but own tears betrayed me. Tumulo ito unknowingly.

"Bhest, uy! ba't ka umiiyak?" Alertong sabi ni Ella.

Tumawa naman ako habang parang tangang pinupunas yung luha ko.

"hehe. ano ba 'to. tears of joy ata. hehehe."

Para talaga akong toinks doon na pinapahid yung luha habang tumatawa. At the corner of my eyes, nakita kong nakatingin saakin si Matthew.

"Tears of joy to Ella. hehe. I'm very happy for you..." Ang sabi ko noong kalma na ako. ???

"Bhest, aminin. may nangyari na naman doon sa girl na gusto mo ano?" Ang sabi niya habang nakayakap saakin.

"haha. Wag mo na akong yayakapin, may boyfriend ka na. Baka masuntok pa ako, masira pa ang pretty face ko. hehe." Ang sabi ko, still trying to stop my tears. I know i can't stay long na ganito. Kahit siguro mag bell pa ay iiyak talaga ako kahit may teacher pa sa unahan. Kaya I took my bag na lang at sinabi kay Ella

"The person i like rejected me the second time, bhest. Sinubukan kong ipaglaban siya, pero in the end, nasaktan pa rin ako."

Tumayo ako at lumabas ng classroom without looking back. Dire-diretso ako sa bukid namin at panay iyak habang naglalakad. Hanggang sa tumatakbo na ako. Pagdating ko sa may paanan ng niyog ay naupo ako dahil sa pagod ng pagtakbo. Hingal na hingal ako ngunit nakatulong iyon para maalis temporarily yung nararamdaman kong pain sa puso ko. Nang mahimasmasan ako, i tried not to cry. I realized kahit ilang luha pa ang tumulo, wala nang magbabago sa fact na sila na. But then the tearducts of my eyes were wide open, at umiyak ako ng umiyak. Siguro tears are not something we should try stopping dahil gusto natin, o kaya dahil alam nating hopeless na ang isang bagay. Tears are representation of what we feel. Joy, Pain. Letting out tears flow freely may also mean we acknowledge our loss or gain. I do. So umiyak lang ako ng umiyak until i dried my eyes out.

Doon na nagsimula ang totoong kalbaryo. I became worst. Sinasagot ko na sina mama at papa kapag pinapagalitan ako tuwing umuuwi ng gabi. Pagdating sa school, para lang akong zombie and na nakatingin sa teacher. Lahat ng sinasabi nila ay lumalabas lang sa kabila kong tenga. Nakikipagusap rin ako kay Ella, but i can't hide my sadness. Ella understood, thinking na baka dahil doon sa babaeng iniisip niya. Pinagtutulakan ko si Ella na sumama kay Matthew at wag na akong hintayin pag uwian. Sumunod rin naman siya. Hindi ko na pinapansin si Matthew. I don't smile back to him, i don't talk to him. Kahit pa nandiyaan si Ella, kapag sinusubukan niyang kausapin ako, i would not respond. Napabayaan ko na rin ang pag-aaral ko. I don't prepare assignments, i always fail in quizzes, i don't recite, i don't participate in group activities. Ang tanging may pakialam na lang ako sa school ay kay Ella. But dumating na din ang point na maski ang pakikisama sakanya ay unbearable. Napakasakit kapag nakikita ko sila. At talagang kahit ang best friend ko, nagawa ko na ring i-ignore. I locked myself to everyone.

Naging ganoon ako hanggang sa malapit na magtapos ang school year. Hindi ko na rin alam kung bakit at para saan ang ginagawa kong iyon. Alam ko nang magiging sila at katunayan minamadali ko pa nga si Ella, pero ngayon, umaasta akong pinagtaksilan ako ng mundo. Its maybe the fact na sila na ang hindi ko matanggap. It all seemed too real na eh. At naexperience ko na naman uli ang 3 biggest fears ko.

Isang araw, pumunta ako sa likod ng classroom at umupo sa sea wall (pond wall). Naalala ko noon nung niyakap ako ni Matthew at hinawakan niya ang kamay ko dito mismo sa lugar na ito. Kaya naman i promised myself na after this day hindi na ako pupunta pa sa lugar na ito. It would only make the pain worse. Tumayo ako at huminga ng malalim, and when i turned back, Matthew was standing there, waiting for me. Bumaba ako at aalis na sana nang hinawakan niya ang braso ko at pinigilan akong umalis.

"Andrey, mag-usap tayo. Please." Ang sabi niya. Tiningnan ko siya ng matulin.

"Wala akong time para sa mga walang kwentang tao na hindi marunong magpahalaga ng damdamin ng iba."

"Ano bang problema, Andrey? Bakit pati si Ella ginaganyan mo? Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. I honestly doubt na makakapasok ka sa top 10 this year dahil sa pagpapabaya mo sa klase." Ang sabi niya, he looked intently in my eyes, hoping his magic would work. But not this time. Nakipaglaban ako sa titigan at for the first time, siya na ang umalis ng tingin.

"Wala kang pakealam kung anong ginagawa ko sa buhay ko. Buhay ko to. Hindi porke't perpekto ka, porke't matalino ka, mabait, masipag, pwede mo nang sabihin ang gusto mo. Dahil wala kang alam!" Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak saakin.

"I wanted to help you Andrey. But you keep locking yourself on me. Pangalawang beses mo na itong ginawa, at alam kong may mga sarili kang dahilan, but i can't just keep standing while seeing you destroy yourself. And you know what, you're driving me crazy. Gusto kita tulungan, gusto ko mapalapit saiyo, gusto kitang maging kaibigan, gusto kong lagi kang nasa tabi ko, pero lagi mo ako pinagtatabuyan. Hindi ko alam kung saan ako lulugar diyan sa maliit mong mundo! Andrey isipin mo naman ang paghihirap ng magulang mo para mapag-aral ka. Isipin mo yung effort ni Ella para makuha uli yung tiwala mo. You keep living life just the way you want it to be. Kaya wala kang pangarap, wala kang specific destination."

Katahimikan.

"Minsan ko nang ginustong magkaroon ng pangarap. May isang tao pa ngang nangako na tutulungan akong mahanap ang pangarap ko. But i don't believe in that shit anymore. Maraming tao ang nabubuhay ng walang pangarap."

"Andrey, i tried helping you. Pero tulad nga ng sinabi ko, you won't let me."

"You didn't try Matthew. And you don't have to. Sino ka ba sa buhay ko para pangunahan ako sa gusto kong maging balang araw. Wala kang pakealam. And you don't know it, do you? Umiikot ang mundong ito sa pera. Kaya kong maabot lahat ng gusto ko sa kinang ng pera. Habang ako, nagpapakasasa sa ginhawa ng buhay ng may pera, ang iba ay nagpapagod, nagkukumagkag para sa mga pangarap na wala namang patutunguhan." Nagsimula na akong umalis ngunit mayroon pa siyang sinabi.

"You're a low life Andrey. Mapagmataas. Makasarili. Bobo. Oportunista. Walang utang na loob. Sinisiguro ko sayo, wala kang maabot sa mga ugali mong yan." Humarap siya saakin. Nakita ko rin ang galit sa mukha niya but his eyes tells me something else. I can't believe he said that to me. After eveything na nangyari saamin. Matapos lahat ng sakripisyo ko, lahat ng pagpapaubaya, lahat ng pagtitiis at paghihirap.

"I will take everything from you Matthew. I will definitely prove to you that everything you said is not true." Tumalikod ako at hinayaan tumulo ang mga butil ng luha saaking mata. I never thought i would hear such words from someone like him. Ngunit bago ako tuluyang umalis, humarap uli ako sakanya.

"I know what's my dream...." Tiningnan ko siya ng malalim."...Ang matalo ka." At tuluyan na akong umalis.

Nagkatotoo ang sinabi ni Matthew na hindi na ako kasali sa honor. Ilang araw pa matapos ang huli naming pag-uusap ay recognition day na. Siyempre wala ako doon dahil wala akong honor. Si Matthew pa rin ang first at si Ella ay pang walo. Ito ang kauna-unahang beses na wala akong natanggap na honor since elementary. And i can't believe na hinayaan ko na mangyari iyon dahil sa taong sa huli'y tinawag ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Nasaktan ako ng sobra sa sinabing iyon ni Matthew. I spent the frist week of vacation na laging tulala. Nagtatanong kung bakit doon humantong ang lahat. The second week, i had dreams of him and Ella. Na tinitingnan ko raw si Matthew ngunit ang tinitingnan ni Matthew ay si Ella. That is the part i hate the most. Ayokong mahuli niya ako sa ganoong sitwasyon. I was doing extremely bad, kahit ang proper eating ay hindi ko na magawa. At dahil doon, i spent a few days in the hospital again.

Isang buwan na makalipas ang huli naming pag-uusap ni Matthew. Pumunta ako sa bukid at nagsulat patungkol sa pangarap ko.

Dear Diary,

The ending was pretty bad, isn't it? Sa huli'y ako pa rin ang luhaan. But what's important is that, i finally had a dream. Not really a dream, but i got something to hold on to. I promised Sparkles i would take everything away from him. But not Ella of course. I would rather leave Ella where she is happy. My goal is to be the 1st honor in our class because I told Sparkles that my dream is to beat him in anything. But what i really want is to prove to him that everything he said to me was wrong.

But you know Diary, if things didn't end up that way, i could have had a different dream. I want to have a perfect day with him. Isang araw na ma-experience ko ang feeling na mahalin niya. Isang araw na masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin, itanong lahat ng gusto kong itanong. Basta isang araw na picture perfect. But that's improbable, right? I should be hatin him from now on.

Time passed. But then a new dawn came when Kuya Liam came in my life.

No comments:

Post a Comment