Break Shot (Part 4)

Break Shot (Part 4)
By: Andrey

Nagising ako sa school clinic nang marinig ko ang boses ni Ella

"Bhest? Uwian na...Halika tutulungan ka namin ni Matthew makauwi." Ang sabi niya with the most caring, most kind, ang most sympathetic way.

Si Matthew? Nandito si Matthew?

At saka bumalik saakin ang mga narinig ko. Ang dagliang pagtibok ng puso ko sa excitement ay napawi ng sakit na parang tinusok ng karayom. Pumikit uli ako bago sinubukang umupo sa gilid ng kama. Inalalayan ako ni Ella. Hindi ko alam kung nasaan si Matthew. Marahil ay nasa likod ko. Hindi ko naman magawang igala ang tingin dala ng pagkahilo ko.

"Bhest, may tubig ka?" Tanong ko habang nakapikit na nakaupo. "I feel so dehydrated...and I haven't eaten a thing since yesterday night." Ang sabi ko. Hindi ko naman masasabing pagkain yung oily foods na ulam kagabi.

"O sige bhest, wait lang. Babalik ako sa room tapos kukunin ko na rin mga bag natin. Ah, m-matthew...ikaw muna bahala sakanya." Ang sabi niya at ibinaling ang tingin sa may likod ko. Hearing his name brought a small, quick pain in my heart.

"Ah...oo. Sige." Said a voice that's very familliar.

Pag-alis ni Ella ay sumunod ang isang nakabibinging katahimikan.Hinintay kong may sabihin siya. Pero parang pareho kami nagpapakiramdaman. Siguro five minutes kaming ganoon. Baka ayaw niyang masira ang happy mood niya dahil lang sa pagbantay saakin.

"Mauna ka na Matthew. Kaya ko na dito." Halos pabulong kong sabi.

"H-hindi. Okay lang. Hintayin na natin si Ella tapos tutulungan ka na namin. Kaya mo na ba maglakad?"

"Kaya ko na. Umuwi na kayo." Baka kasi ayaw niyang maabala ko pa si Ella.

"Ano ka...hindi puwede yun. B-baka magalit si Ella pag iniwan kita."

So dahil pala kay Ella kaya ka naghihintay dito.

"Bahala nga kayo."

Noong maramdaman kong kaya ko na rin kahit papanong tumayo, i initiated pero parang tanga lang akong natumba sa sahig.

Ano ba yan. Nakakainisss.

Nagmadali naman siyang tulungan ako. His mere touches sent cold waves on my spine.

"Kaya ko na...Wag na.." Ang sabi ko at sinubukang gamitin ang lahat ng natititirang lakas para alisin ang kamay niya. Inalis din ng loko. Parang may kapansanan tuloy ako doon na pinipilit tumayo. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para i-ignore ang kahihiyan o anumang pwede niyang isipin. Ang panlulumo kong naramdaman ay wala sa pagkahilo ko o panghihina ng tuhod.

"Tingnan mo nga ang sarili mo. Kumain ka muna tsaka uminom. Hintayin na natin si Ella dahil may dala iyon."Pabulyaw niyang sabi. But i ignored his suggestion and continued trying with all my efforts. Umiling siya at umupo din sa sahig tulad ko.

"Okay Andrey. Naawa na ako sayo, tumayo ka na please." Ang sabi niya in a low voice. Nainis ako sa sinabi niya. Bakit akala niya nagpapa-awa ako?! Nilingon ko siya at tiningnan ng may galit. Pero nandoon na naman yung gravitational pull sa mata niya kaya hindi rin ako nagtagal. Parang nag-surrender ako at napawi ang galit sa mata, napalitan ng lungkot, nangungusap. Nagulat naman siya naging mabilis na transition ng expression ko at parang nablangko ang tingin. Sinubukan ko ulit tumayo. This time hindi na talaga siya nakapag-pigil at pinwersa akong tinulungan. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas noong itulak ko siya with all my might.

"Ba't ba ang kulit mo! Umuwi ka na kasi! Sino ba nagsabi saiyo na maghintay dito at tulungan ako?! At saka hindi ko kailangan ang awa mo! ALIS NA!" sigaw ko.

"Putragis oh...sino ba ang tinutulungan dito?! ha? Sino ba ang nagmumukhang lumpo diyan?!" sigaw niya rin. Soooobrang nagulat ako sa sigaw niya at pagmumura. First time ever kong marinig na nagalit ng ganoon si Matthew at magmura. Kaya natakot ako at nanahimik. Sa laki ng muscles noon baka saan ako pulutin. Kaya umiyak na lang ako na parang bata. Lumapit uli siya at nagmakiusap in his most convincing voice.

"Let's stop this game Andrey...Naaawa na ako sayo kaya please."

"Pag nakatayo ba ako ng mag-isa aalis ka na?" Ang sabi ko without even looking at him.

"H-huh?"

"Tatayo ako. Wag kang tutulong."

At sinubukan ko ulit. Isa. Dalawa. Tatlong ulit ngunit lagi ako natutumba. "Kapag nagsusulat ako, pag tinaas ko yung ulo ko, lagi ko na lang siya nakikitang nakatingin saakin. Tapos pag dumadaan ako, lagi niya akong binabati ng Good Morning Ella... sabay ngiti. Tapos napaka-matulungin pa niya.: Naalala ko ang sinabing iyon ni Ella. Ganoon din ang ginagawa niya saakin. What if ginagawa niya yun almost to everyone? Doon ako gumugot ng lakas, t hindi ko namalayan ay nakatayo na pala ako. Medyo nahihilo pa rin ako pero nakahakbang na rin ako. Sumunod naman si Matthew sa likod.Noong makalabas na kami sa clinic, dumating na rin si Ella bitbit ang bag ko at bag niya. May dala din siyang tubig at ang paborito kong tinapay. Nakita ko sa mukha niya ang gulat noong makita akong naglalakad ng mag-isa. Tiningnan niya si Matthew na parang nagtatanong. Agad siyang lumapit saakin at inalalayan ako. Pero nagreplay uli yung sibai ni Ella, "Then sabi niya, second year pa lang tayo, crush na kita..."

Hindi ko gustong itaboy din si Ella ngunit mahina ko ring inalis ang kamay niya and i smiled faintly.
"I can do this bhest. Let me prove to myself that i can do this." Ang sabi ko.

She let go din naman at hinayaan ako, full of question in her face. Pa-ika ika akong naglakad doon. Pero ininda ko ang hilo, ang panghihina, at ang tangi ko lang naramdaman ay lungkot. They silently followed behind. Nasa labas na kami ng gate ng pumasok sa isip ko ang isang tanong. "Maling akala lang ba ang lahat?" And I felt my knees go weaker and weaker. At saka ako napa-upo.

"Bhest?!!!" Takbo agad silang dalawa ngunit hindi ko na sila tiningnan at tinago ko na lang ang aking mukha sa mga kamay ko. I was desperately trying to stop my tears from flowing uncontrollably. I didn't know i love him this much. Pano ba 'ko nakarating sa puntong ganito?

Naramdaman ko na lang na inakay ako ni Matthew at sinakay sa likod niya. Nagmadali namang tumakbo si Ella para humanap ng tricycle. Hindi na ako pumalag noong nasa likod ako ni Matthew. Pero yumuko ako at isinandal ang noo sa likod niya para walang makakita ng pagtulo ng luha ko. Until i realized tumutulo na pala ito sa damit niya kaya i controlled myself nalang. Sana lang hindi niya nahalata iyon. But the moment was indeed touching. I really needed comfort at sa huli'y ang taong dahilan ng sakit na aking nararamdaman ang siyang nagbigay noon. His back was really warm and hard. I wish i could stay there forever.

"Andrey? Okay ka lang?" He sounded so worried that i felt so secured. Hindi na ako sumagot dahil dumating na yung tricycle na kinuha ni Ella. Sinakay ako doon ni Matthew na sobrang ingat na ingat.

Si Ella ay nandoon sa likod ng driver samantalang kami ni Matthew sa loob. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana ng tricycle at hindi nagsalita.

"Si bhest naman eh!...Hindi na naman kumakain ng maayos alam niya namang may sakit siya." Narinig kong sabi ni Ella.

"May ini-inom ba siyang gamot? Alam na ba 'to ng parents niya? Nagpa-check up ba siya?" Naririnig kong mga tanong ni Andrew na sinasagot naman ni Ella. I felt happy kasi he sounded so sincere and worried. And the fact that he carried me on his back was something else. Honestly, i feel happy inside. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal? Kahit pa saktan ka niya...Kahit grabe yung pain mo...Basta alam mong nandiyan siya, basta nakikita mong he cares, magagawa mong patawarin siya agad. And if he does something romantic or special, you would still feel your heart beating like crazy? Ang gulo mo, puso.

Ilang minuto pa'y inakay uli ako ni Matthew maya-maya'y mga faint cry at mga echoss nila mama at papa. Nataranta. May nagsabing "Diyos ko po." Alam kong frenzt mode sila dahil hindi sila aware sa sakit ko. Sana din hindi na sabihin ni Ella pero impossible iyon. I closed my ears and tried to sleep sa likod ni Matthew. Let's pause a while, Matt. And then i fell into another deep sleep. This time, puro lang darkness. Wala si Matthew o si Ella o ako. I hoped my heart would heal when i wake up.

I opened my eyes but i was blinded by the light coming from the open window. I breathe the fresh air at saka huminga ng malalim. This is not my room, i thought. Tumingin ako sa paligid at nakita sina mama at papa na nakatingin saakin. I was hoping for a scolding sa paglilihim ko but seeing their worried faces, i just smiled at them.

"Anak? How do you feel?" Ang sabi ni mama.

"Fine po. Nasaan po tayo?" I tried moving my arm pero may masakit. Only then that i realized na nasa ospital pala ako.

"You should've told us anak. We were so worried. Eh di sana ang inihahanda ng mama mong mga pagkain ay yung makakabuti saiyo." Si papa.

"Sorry po. Ayoko lang mag-worry kayo." I wanted to sound cheerful ngunit may mabigat pa rin sa puso ko. I guess i know what and why.

"Ang sabi ng doctor tommorow makakauwi na tayo. You just have to rest a little bit and eat nutritious food. And exercise anak. Here, eat this." Sabi ni mama sabay bigay saakin ng apple.

Kinuha ko ito at kumagat. It tasted so good. Masyado na siguro akong gutom. Habang kumakain i looked at the window and didn't say a word. Though aware ako na nandiyan sina papa.

"Is something bothering you son?" Tanong ni papa. Lumapit din siya saakin, ang dalawanf kamay ay nakatago sa mga bulsa ng pantalon.

"I was wondering po...Papatigilin niyo ba ako sa pag-aaral?" I asked. Payag sana ako.

"Depende sa iyo anak. Though we suggest na mag-stop muna, it still depends on you. Anyway kahit nag-woworry kami na baka atakihin ka ulit, you have great friends out there. We can see na you can count on them naman." Sabi ni mama sabay ayos ng buhok ko. I took another bite.

"Well anyway baba muna kami ni mama mo at aayusin namin yung babayaran dito para sigurado na ang pag discharge mo bukas. Are you fine here?"

Tumango ako at ngumiti sakanila. Though i can tell na palusot niya lang iyon para mabigyan ako ng privacy. Alam niya na siguro na i need time to be alone. Normally papa would always understand my mood better than mama.

Pag-alis nila'y huminga uli ako ng malalim. Kumagat uli ako at saka tumingin sa bintana. Maganda ang view doon. There is a big acacia tree kaya fresh na fresh ang hanging pumapasok sa bintana. The tree standing there looked so peaceful. Sumasabay pa ang mga dahon sa ihip ng hangin. I closed my eyes, trying to be a part of the peacefulness of the tree, of the wind, of the nature. Abruptly, nakita ko ang mukha ni Matthew. Then i slept.

Ang sumunod na araw ay Sabado. I was discharged out of the hospital and finally, nakauwi na rin kami sa bahay. My mother told me to rest, and i was more than willing to do so. I need rest so bad. Especially my heart. Pero pagdating ko sa kwarto ay hindi naman ako nakatulog. Maybe i just wanted to be alone. Kinuha ko ang diary ko at nagsulat.

Dear Diary:

Mapaglaro talaga ang tadhana, ano? At nakakatakot siya magbiro. Yesterday I realized how deadly 'maling akala' is. I misunderstood many about Sparkles. I gave meaning to his gestures and kind acts. I almost thought he loved me too, but of course he doesn't. He loves someone else. Someone i can never hate. Funny thing is, lahat ng ginagawa saakin ni Matthew ay ginagawa rin niya sa iba. Where does that leave me then? Sabi nga ni Bob Ong,"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba." Lahat pala ng mga titig niya, mga nakakalokong ngiti, mga tulong tulong ay common niyang ginagawa sa iba. Dahil mabait siya. And maybe he was greeting me out of courtesy only. It really saddens me Diary. This is the first time i ever felt this way and i didn't realize it would hurt this way. I feel ashamed na iniisip kong ang katulad ni Matthew ay mahuhulog saakin. IMPOSSIBLE.

Kinabukasan, niyaya ako nina mama na magsimba noong linggo ngunit ayaw ko. I've been very bad recently, and facing Him is something i can't do right now. Maybe nga pinaparusahan Niya ako for falling for someone kahit alam kong bawal. So I decided to stay in the house. Pero wala naman akong magawa sa bahay kundi mag-isip. Fresh pa rin yung sugat sa puso ko at ang mood ko ay laging gloomy. So i decided to take a walk. Naisip kong pumunta somewhere na liblib, yung mag-isa lang ako at pwedeng mag-isip isip. Nagdesisyon akong pumunta sa part ng lupain namin na hindi sinasaka. Noong bata ako, sumakay ako sa kalabaw kasama si papa at nilibot niya ako sa mga lupain niya. May isang parte doon that caught my attention. Isa siyang cliff at sa ibabaw noon ay may niyog na naka-bend. Madaling akyatan at maganda umupo. May kalayuan nga lang. Pero anyway, pumunta ako doon without my proper senses. I didn't really think about dangers, i just want to go somewhere....peaceful.

At noong makarating ako doon, labis naman ang kasiyahan ko. Its an achievement dahil matatakutin ako, and i NEVER go to places such as this ALONE. Pero i managed to go there. Inisip ko kung pano, and i realize while on the way, my mind was lost thinking about Matthew. And on the blink of an eye, andoon na ako sa bukirin namin. Delikado talaga umakyat doon sa naka-bend na niyog dahil ang part na naka-bend ay nasa cliff na. And kapag nahulog ako, diretso na sa ground. Ngunit i found the courage na magbalance at finally, nandoon na ako sa may tuktok ng bend at umupo ako. But was it really courage that allowed me to bypass my fears? Or was it the pain that made my heart numb? Mga limang oras akong nakaupo doon, feeling myself as part of the nature. It was one of the most peaceful moments in my life, and i'm also happy na i did it alone. When i went home, nag-alala si mama but i assured her i'm fine. The next day, was Monday pero nag cutting class ako. I didn't go to school and wandered alone sa lupain namin. Only this time, i was eager and ready for more adventure. Ewan kung saan ako humuhugot ng lakas at tapang. Basta sugod lang ng sugod, go lang ng go. Kapag may naisipang gawin, ginagawa. Umakyat sa puno, kumuha ng bunga ng bayabas, maghanap ng nest ng ibon, maligo sa ilog ng nakahubad. I was really pilyo that time. I felt like i could almost do anything. Isang beses nga may sinundan akong ligaw na manok. Ewan ko kung saan na ako nakarating but i just followed it. At nung didilim na, hindi pa rin ako natakot. With courage coming somewhere i don't know, nahanap ko ang daan pauwi. Nagsinungaling na lang ako na may ginawang project kahit maghapon akong absent. Hindi na rin ako kumain dahil nabusog ako sa mga bayabas.

Bago natulog, i updated my dairy.

Dear Diary,

Helpful pala ang newfound pain ko. Nagagawa ko na ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kaya. I feel so numb, diary. I wandered in the woods alone today without even the slightest feeling of being afraid. Why? I don't know why i am doing this. I don't know what i am trying to prove. I don't know what i want. I am searching for something but i don't know what. My wounds haven't healed the slightest bit. I still feel worthless, sad, and....nothing. I became strange, diary. My sadness seemed to overcome my fears, but it overshadowed me. I always feel sad, i don't feel anything but sadness. Why is this so? Dahil ba lahat ng kinatatakutan ko sa buhay ay nangyari saamin ni Sparkles? Dahil ba nagkamali ako ng akala? Dahil ba napahiya ako sa sarili ko? I have so many questions diary. Would i receive an answer?

The next day nag-cutting class uli ako at pumunta uli sa bukid. Doon uli ako sa may nakabend na niyog at dinala ko doon ang diary ko. Doon ako nagsulat. Tula, kanta, mga reflections ko sa mga bagay, essays, tungkol kay Matthew, tungkol sa friendship namin ni Ella, tungkol sa beauty ng nature, at kung anu-ano pang pumasok sa isip ko. Kahit papano'y nabawasan ang burden ko. Then base sa mga sinulat ko, i realize why i am here sa tuktok ng isang tikong niyog. Siguro dahil sa pressure ng mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. I have so many things i wanted to say but i always kept them inside. I want to share my experiences with Matthew, my fears, my question about my sexuality, yung sakit nang malaman kong namisunderstand ko lang yung mga bagay-bagay. Gusto ko ilabas ito ngunit wala akong mapaglabasan. Who would understand? Kahit ang best friend ko na only hope ko na sanang maka-intindi saakin ay wala na rin. So maybe im wandering around because i want to find an outlet. Somewhere na hindi ako matatakot na ilabas ang nararamdaman ko....somewhere na walang judging eyes....Marahil ay doon galing ang lakas ko. Dumating na sa point na ang sakit sakit na, na parang sasabog na sa puso ko, pero wala akong mapagsabihan. Kaya marahil narito ako, nag-iisa.

And then the next day, pumasok na ako. Parang artista yung entrance ko sa room, lahat nakatingin saakin. Nginitian ko sila lahat bago umupo. I understand naman. siguro ay curious sila kung bakit ako nahimatay nung huling araw at bakit ako absent.

"BBBBHHHHEEESSTTT!!!!!" sigaw ni Ella noong makapasok sa room at nakita ako. Niyakap niya ako at abot tenga ang ngiti.

"Na-miss kita bhest...Why are you absent yesterday? Naku, andami ko saiyong iku-kwento."

"Tungkol?"

"Saamin ni Matthew...nililigawan niya na nga ako diba. Grabe bhest, minsan nga naiihi na ako sa kilig. Nitong dalawang araw na absent ka, dito siya nakaupo sa tabi ko. Ang saya talaga bhest."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Samantalang i'm having the worst days on my life kahapon at nung isang araw, sila nagsasaya dito. Somehow, I feel betrayed at pinagtaksilan. But its not as if i have the right to feel so.

"Sige Ella, Spill na, spill." Ang sabi ko sabay ngiti. Last night, i practiced in the mirror the best masks i could wear. Inihayag naman saakin ni Ella lahat ng mga effort ni Matthew habang nililigawan siya nito. I listened to them patiently, at naiimbak lang ang sakit sa puso ko. I smiled and I laughed. Nakakakilig nga naman yung mga sinasabi ni Ella. And i promised na lang to support her no matter what. Siguro from now on, i would wear masks everyday na. Na kunyari masay ako para sakanila, kinikilig, at nakikipagbiruan. Siguro from now on, tainted na ang friendship namin ni Ella at lalabas na nakikipag-plastikan ako. But of all the masks i would wear, i'm sure there is still something that would stay pure and sincere...the fact na i'm happy for my bhest. I may turn out as a the greatest mask-wearer of all time...but my honest intention of supporting my bhest in her relationship with Matthew...that...is sincere.

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.