Thursday, March 2, 2017

Patay Malisya (Part 1)

Patay Malisya (Part 1)
By: Pansit Anton
Nagsimula ang lahat nung umaga na matapos ko nang malaman kung ano ang lasa ng halik ni Kelly; pinatawag niya kaming lahat sa common area sa second floor ng boarding house namin at sinabi niyang sexually attracted din siya sa mga lalake.
Lahat kami sa barkada naniningkit, namamawis at hindi mapakali dahil na rin siguro sa puyat at hung over. Pero hindi na namin yon pinansin masyado kasi parang aligaga nga itong si Kelly at walang pasaway kapag nakaganung mode siya. Nangangatog na siyang nagsalita, “Kasi ganito-“
“Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag ngayon,” bigla akong umepal, nakacriss-cross pa yung mga daliri ko na para bang kontrabida sa anime. Akala ko mapapatawa ko si Kelly, ewan, ang weird lang kasi, at ang lungkot-lungkot niyang tignan. Hindi naman siya ganun the night before - ang saya pa nga namin habang nag-iinuman. Gusto ko lang naman na marinig ulit yung hagikgik niya.
Eh palpak, siguro kasi hindi siya nakatingin sa akin, nakayuko lang siya at nakatitig sa sahig. Para bang mas interesting pa yun kesa sa anime character ko. Pinandilatan ako ni Mike.

“Anton, ano ba,” ang lalim ng boses ni Mike kapag bagong gising. “May sasabihin itong si Kelly.”
Tas tumango siya kay Kelly. Eh nagtaka na ko. Mukhang ako lang ang walang ka-ide-idea kung ano ba talaga ang mangyayari. Pero ayun, kasi hindi naman talaga gigising nang maaga itong si Mike kung wala namang plano ang barkada. Medyo nainis ako - kasi kahit naman entitled sina Mike na magkaroon ng sarili nilang secrets, hindi magaling magtago ng sikreto itong si Kelly; dinadaldal niya kasi sa akin ang lahat, or so I thought.
“Thanks, Mike,” sabi ni Kelly. Kabado talaga siya. “Um, so, may sasabihin ako sa inyong tatlo.”
Paputol-putol siya magsalita. Para bang ang dali niyang mapagod at kelangan niyang magpahinga sa gitna ng sentence niya tas nagmamadali niya ring tinapos.
“Alam niyo naman na mahilig ako sa girls, di ba? Pero kasi… gusto ko rin ng boys… din. Romantically. Sexually. Ganun. Parehas… ewan.”
Nabigla ako. Tulala. Tas tinignan ko silang tatlo - si Kelly, tapos si Mike saka si Lucas - hindi man lang sila shocked. Para ba kong minartilyo sa sikmura.
“Okay lang yan tol,” sabi ni Lucas, medyo weird nga eh, tas ang formal pa ng pagkakasabi niya na para bang hindi nakakagulat yung revelation ni Kelly. “Alam mo namang susuportahan ka naming mga kaibigan mo at sa kahit-“
“Putang ina!” Hindi ko na kinaya. Nagtaas na ko ng boses. “Bakla ka?! Pero nagtorrid tayo kagabi ah!” Nakatingin na sa akin si Kelly ngayon. Lahat na sila, actually, pero para talagang ako lang yung nabigla sa barkada meeting na to. “Akala ko parehas tayong straight na naglalaplapan lang!”
“Lakas maka-straight ng laplapan ng dalawang lalake ah,” nagtaas na rin ng boses si Mike. “Tsaka, hindi nga siya bading, bisexual siya. Nakikinig ka ba?”
“Pakyu,” sabi ko. So alam na nina Mike at Lucas, medyo na-hurt ako dun. Alam kong ako yung pinakabago sa barkada, so baka nga dahil dun. “Dami mong alam. Nung sinabi rin ni Henry na pansexual siya, sabi mo sa kin na itago nating lahat ng kaldero dito boarding house para hindi siya tigasan.”
“Pakyu ka rin Anton.” Medyo galit na si Mike, namumula na yung tisoy niyang mukha. “Joke kaya yon, at tsaka at least hindi ko naman sinabi nang harapan sa kanya!”
“Wow,” sabi ni Kelly. Ang putla niya, mukhang masusuka na yata. “Wow. Ang kalma naman ng usapan na to. Babalik na lang ako sa kwarto namin.”
Medyo masyadong mabilis yung pagtayo niya kaya muntik na siyang matumba. Aalalay sana ako sa kanya pero dinedma niya lang ako. Naglakad siyang alalay yung sarili niya sa pader pabalik sa kwarto nila ni Mike.
“Okay lang naman sa akin na bi ka!” Pahabol ko na sigaw. “Just so you know!”
Sumunod na rin na bumalik sa kwarto nila si Mike, umiiling-iling ang mokong.
“Hayaan mo muna si Kelly, ok?” Sabay malakas na sara ng pinto.
Biglang tahimik sa common area sa boarding house, yung ingay lang pagta-type ni Lucas sa phone nya yung tunog, saka yung mga trike sa labas.
“Hindi naman ako nang-gagago,” Ako na nag-initiate ng usapan namin ni Lucas. Aba dapat may kumampi naman sa akin. “Nagulat lang siguro ako. Ikaw rin, di ba?”
“Hinde,” sabi niya habang binubulsa yung phone niya. “Alam ko na eh.”
So ayun, ako na lang pala ang walang alam na may gusto rin pala si Kelly sa mga boys. Pumikit na lang ako sabay hinga nang malalim. Yung isa kong best friend galit sa akin, yung isa nasigawan ko, kelangan ko talagang hindi mainis sa akin itong si Lucas.
“Bakit ako na lang yung hindi nakaka-alam?” mahina ko na tanong.
Kumibit balikat siya.
“Matagal nang sinabi sa min ni Kelly, noon pa nung hindi ka pa namin ka-close. Tas nakalimutan na namin na hindi mo nga pala alam. Hindi naman kasi yun secret talaga.”
“So bakit may ganito pang meeting-meeting kung ako na lang pala ang walang alam?
“Ano, moral support, just in case na magwala ka.” Kung may naiimagine kayo na pinaka-judgmental na facial expression habang binabasa nyo to, triplehin nyo yun. Yun yung itsura ni Lucas habang kausap ko siya. “At tumama kami ng hinala.”
Nahiga na ko sa sofa, patihaya, habang dinidiin yung mga palad ko sa mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, masyadong maliwanag yung araw, tapos inisip ng buong barkada na hindi ako madaling pakisamahan, at syempre ako naman tong si gago, hinayaan ko lang na maging tama sila.
“Hindi naman siya galit sa akin di ba?” Nagsalita ako ulit.
“Siguro oo, sigawan mo naman ba na bakla siya na rinig na siguro hanggang kabilang boarding house-“
“Hindi naman sa sigawan!” Naiinis na naman ako. “Yung sa naghalikan kame. Hindi naman ako papayag kung alam kong attracted din siya sa mga lalake. Ayoko namang isipin niya na ginagago ko siya. Hindi naman siguro niya na iisipin na unfair ako di ba? Akala ko lang kasi parehas kaming straight!”
Walang reply. Medyo bumangon ako ng konti sa pagkakahiga, para lang na ma-sure na may kausap pa ko. Andun pa naman si Lucas, nangju-judge pa rin. Tinitignan lang ako. Tipong naaawa tsaka nandidiri.
“Ang weird ng logic mo,” sabi niya. “At ang gulo ng definition mo ng gay at straight.”
“Hoy!” Sitting position ako ulit para maharap ko siya. “Gago ka, ume-english ka na naman! Tsaka naghalikan din naman na kayo nina Kelly at Mike nung nag-inuman tayo dati ah!”
“Hinde no,” sabi ni Lucas. “Yung smack-smack sa mga dare natin eh hindi kalevel ng torrid ng kalahating oras. Kelangan pa nga kayong hatakin palayo sa isa’t isa ni Kelly kagabi eh.”
“Hindi kami nagtorrid ni Kelly ng 30 minutes.” Sabi ko. Pasinghal.
“Oo kaya.”
“Hindi kaya.”
“Oo gago ka. Inorasan ko eh. Tsaka tatagal pa siguro yun kung hindi lang kayo inawat ni Mike.”
Ayun. Kaya siguro inis na inis din ako kay Mike nung umaga na yon.
“Hindi yun yung point ko,” pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung meron ba akong point o wala.
“Ang point ko lang, lahat naman tayo sa barkada natin naghalikan na, tas nakita na rin nating hubo’t hubad ang isa’t-isa pero straight naman tayo kaya wag mo kong papangaralan kung ano ang definition ng pagiging straight! Wala naman akong ka-ide-idea na bi itong si Kelly bago ako nakipaghalikan sa kanya, kaya hindi siya pwedeng magalit sa akin dahil lang dun!”
“Eh hindi naman namin sinet na background yung nude niya sa cellphone.”
Bumilis bigla yung pagkurap ko.
“Eh ano naman? Magandang kuha naman yon! Maganda yung pwet ni Kelly! At nakakatawa kaya!”
Pumikit si Lucas. Para siyang yung mommy ko nung bata pa ko - hihinga nang malalim habang nakapikit bago magalit. Yung classic na “nagpipigil ng galit” na facial expression.
“Kasi ganito,” mabagal niyang sinabi. “Hindi mo man lang ba na naisip na baka sinabi na sa yo ni Kelly yon kasi sa tingin niya unfair sa yo na hindi mo alam na bi siya bago kayo naghalikan?”
Tameme ako.
“Hindi ko gets.”
Biglang tinaas ni Lucas yung mga kamay niya.
“Okay fine! Mahirap tong magets, stupid ka kase. Magsorry ka na lang kase na nagwala ka at okay na kayong dalawa.”
Higa ako ulit sa sofa. Nilagay ko na yung braso ko sa mga mata ko.
“Sandale.” Sabi ko.
Bumuntong hininga na naman si Lucas sabay alis. Hindi ko na rin siya pinigilan. Mas okay na mag-isa muna ako siguro.
Hindi naman ako super lasing kagabi. Tipsy, walang inhibition pero naalala ko naman lahat.
Naalala ko yung bigat ni Kelly habang nakakandong siyang nakaharap sa akin. Yung init ng katawan niya. Yung lasa nung tawa niya, malakas na mahagikgik nung sa simula hanggang sa kumalma sa mahinang masayang singhal nung nagkiss kami. Naalala ko yung pakiramdam ng dila niya sa bibig ko pati lahat ng init pagkatapos.
Ang hindi ko lang matandaan eh kung bakit nga kami naghalikan. Joke siguro o kaya dare. Laging ganun naman eh kapag may inuman kaming apat. Pero ngayon hindi wrestling-wrestling o pranks, kundi yung legs niya na nakapalibot sa kandungan ko tapos yung mga kamay ko, hinihimas yung likod niya, tapos yung hininga niya na ramdam ko sa bibig ko. Siguro nga medyo gayer than usual. Mas lasing-lasing eh. Pero wala namang malisya sa akin yon. Pero iba na nung kinaumagahan na.
Dumapa ako. Medyo tinitigasan na ko eh, pero wala pa ring malisya sa akin. Masarap humalik si Kelly at malinaw ang memory ko. I dare you na wag ma-turn on kapag nakipaghalikan kayo kay Kelly, regardless of sexual orientation.
Naalala ko rin na medyo na-turn on nga ako kagabi nung nakakandong sa akin si Kelly. Ang weird, kasi lalake, barkada ko pa, na napatigas si manoy; tas tumawa ko habang binulong ko sa kanya na “tinatalaban ako sa yo" sabay kadyot pataas. Hindi na siya tumatawa. Dumiin siya lalo sa pagkakakandong sa akin, sabay giling pababa hanggang sa hindi na ko makahinga ng maayos. Nung time na yon, hinatak na siya papalayo ni Mike, nagsasalita na pagsisisihan daw ni Kelly ito pag umaga na.
In retrospect, hindi nga naman ka-straight-straight yung mga nangyari, well, at least sa side siguro ni Kelly. Naguilty ako. Pati burat ko. Yung pintig nun habang nakadapa ako, guilt yon, hindi libog, sabi ko sa sarili ko.
Mga two minutes pa siguro akong nakadapa lang at nagpipigil kumadyot sa sofa, tumayo na ko at pumunta sa pinto ng kuwarto nina Kelly at Mike. Para matapos na rin nga siguro yung issue, mag-usap na kaming dalawa.
Eh nakalock.
“Mike,” Kumatok ako nang malakas. Bumukas lang ng onti yung pinto, sabay sara ulit. Rinig ko yung boses sa likod ng pinto. “Kelangan ko kausapin si Kelly.”
“Magwawala ka lang ba ulet?” Tanong niya. “Kase hindi kita pwedeng papasukin kung hindi-“
“Putang ina Mike ano ba! Magsosorry na nga eh, eto na eto na o.”
Nakasandal ako paharap sa pinto kaya nasubsob ako sa sahig nung biglang binuksan yun. Pagtingin ko kay Mike, tinititigan niya lang ako. Mukha siyang bulldog…
“Sasamahan ko muna si Lucas sa baba para magyosi, at wag kang gago, okay? Orayt. Buti naman nagka-ayos tayo dito.”
Lumabas na siya ng kuwarto at sinara yung pinto.
Tumayo ako. Niyugyog ko yung mga braso ko, ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Pa-L shape yung kuwarto kaya hindi kita yung double deck sa pinto, liliko pa sa kanan.
Kumatok muna ako sa kahoy na part ng pader bago sumilip dun sa papaliko na part. Usually derederecho na lang kami sa kwarto ng bawat isa, pero iba kasi ngayon, may atraso kasi ako.
“Oy, Kelly.”
Madilim dun sa kuwarto kasi nakaharang pa yung mga kurtina kaya ang naaaninag ko lang e yung mahinang ilaw ng cellphone ni Kelly sa mukha niya. Nakahiga siya sa ibabang kama, pero nakabukaka yung paa niya sa railing. Nagmu-music ang gago at nakaheadphones, hindi pala ako naririnig.
“Oy, Kelly.” Mas malakas na boses ko ngayon.
Tumingin na siya sa akin at napangiti, pero sumimangot ulit agad. Nakalimutan niya siguro na galit siya sa akin.
“Ayun, medyo um-OA ako kanina, pero hindi naman yung tipong ‘yuck kadiri nakipagtorrid ako sa bakla.’ Eh di ba nga naramdaman mo rin naman yung burat ko kagabi, eh hindi naman to nandidiscriminate,” paliwanag ko. “Nag-alala lang ako kasi kung straight tayo parehas tas ginawa natin yun, alam ko kung ano ang limitations nun. Pero wala kasi akong idea na sexually attracted ka rin sa mga lalake, eh iba na yun, di ba? Pano kung nasaktan ko na pala feelings mo o kaya unfair na pala ako sa yo?” Tinapik ko ng kamao ko yung balikat nya, may kasamang maliit na tawa. “May sensitive side din naman ako no.”
“Oo Anton,” sumagot na rin si Kelly, tinanggal na niya yung earphones niya. “Nasaktan mo ko sa pagtotorrid naten kagabi. Alam mo naman siguro na hindi logical yon.”
“Yan nga din yung sabi ni Lucas,” sagot ko. “Tabi tayo?”
Nahalata kong gusto nyang tumanggi. Hindi ko alam kung bakit ganon; medyo masikip dun sa kama, pero kung magsisiksikan kami, magkakasya din naman.
“Lagi ka kayang nangyayakap kapag camping naten. Makaganti man lang ako. Hahaha!” Ako ulit yung nagsalita.
“Pakyu.” Sabi ni Kelly, meron nang ngiti at umusog na siya para naman magkasya ako sa kama niya.
Importante to. Kelangan kong mapatunayan na okay lang sa akin yung pagiging bi ni Kelly pero hindi naman over sa pagiging touchy touchy. Weird, pero touchy touchy kaming apat sa barkada. Wala namang malisya, pero nagkataong affectionate lang kaming lalake. Ngayon, kelangan ko na hindi na magalit sa akin itong si Kelly, so go na ako sa super homoerotic na position na kaya ko.
Kaya ko tong challenge na to.
Sumampa na ko sa kama ni Kelly sabay yakap. Inangkla ko yung torso ko sa gitna ng legs nya, pero medyo naglaan ako ng space sa crotch area namin.
“Um,” hindi na nakagalaw si Kelly.
“Sus wala to,” pilit ko siyang kino-convince. Ang bango-bango ni Kelly kahit na hindi pa siya naliligo pagka-galing sa inuman namin kagabi. Ramdam na ramdam yung pulso niya sa leeg sa pisngi ko. Pero bukod dun, napaka-uncomfortable namin. Siguro medyo maliit yung double deck nina Kelly at Mike para sa college students. At dahil na rin siguro hindi ko mapigilang maisip na ang lapit ng mga burat namin sa isa’t isa at kung magpapatuloy to, may mag-eespadahan mamaya.
“Nope, nope, hindi ko kaya,” Umangat ako ng konti ng pwesto, pinangtukod ko yung braso ko para hindi na magkadikit yung mga crotch namin. Bigla kong napansin na tinititigan ako ni Kelly kaya nataranta ako. Baka magalit na naman siya sa akin!
“Hindi ikaw!” sabi ko. “Nakakangawit kasi tong pwesto naten. Hindi dahil yung bakla ka.”
“Tangina Anton naman eh,” Sabi niya, parang naiinis na naman. “Hindi ako bakla, bisexual ako.”
Hindi ko napigilan na matawa ng kaunti. Magkahalong taranta at tawa.
“Labels,” Sabi ko. Umayos kami ng pwesto, nakaupo na ako, pero nakapa-ikot pa rin sa akin yung legs ni Kelly, magkaharap pa rin kami sa isa’t isa. Hindi ko na namalayan na hinihimas himas ko na pala yung tuhod at hita niya. “Ano bang pinagkaiba nila?”
“Malaki,” sagot ni Kelly. Medyo hindi na pantay yung paghinga niya, tapos nakapatong na lang facedown yung cellphone niya sa dibdib niya. “Well, at least sa akin. Yung gay kasi ibig sabihin nun sa lalake lang. Gusto ko rin naman makipagsex sa mga babae. Wag mo namang ipagkait sa kin yon.”
Dahil nga medyo naka-angat yung legs ni Kelly, medyo nagsa-slide na pababa yung kanang part nung shorts niya, naiipon dun sa singit niya. Napatitig ako dun sa naaaninag ko na boxers niya. Medyo lumiliwanag na yung umaga, nakikita ko na yung Batman na design. Inangat ko pang lalo yung legs niya, nakabaluktot, yung tuhod niya, halos nakadikit na sa dibdib niya. Bukakang bukaka na siya. Pero kelangang makita ko pa yung Batman na design.
May maliit na ingay na galing sa bibig niya nung tumingin siya sa akin. Hindi pa ganun kaliwanag pero alam ko namumula na siya, kasi ako rin eh. Ang init bigla sa kuwarto kasama siya.
“Eh pano kung yung pinag-uusapan natin eh hindi yung may gusto ka sa babae or sa lalake?” Sabi ko. “Pano kung gusto mo lang yung isang tao?”
“Anton,” nagsalita si Kelly. “Pwede bang urong ka nang konti, saka wag mo akong masyadong tsansingan?”
Hindi ko siya pinansin, medyo umurong ako ng mas papalapit sa kanya. Idinikit ko pa lalo yung mga tuhod niya sa bandang gilid ng dibdib niya, malapit sa kilikili. Hindi siya nakikinig sa akin, kelangan kong makinig siya sa akin.
“Pano kung straight ka pa rin, pero may gusto ka lang na isa? O kaya siya yung exception sa straightness mo, ganyan? Siguro-“
Tinanggal na ni Kelly yung cellphone niya sa dibdib niya tas tinakpan niya ng palad niya yung mukha niya.
“Anton, hindi ko na magets yung mga sinasabi mo, pero ang awkward na nitong ginagawa natin. Hindi tayo nakainom at hindi to nakakataw-“
Napahinto siya sa pagod, ang bilis kasi nung sentence na yun. Umurong ako ng onti paatras palayo sa kanya, dun ko nakita yung nakapagitan sa amin.
Tinigasan na pala si Kelly. Bakat na bakat yung tite niya sa boxers at shorts niya. Siguro nga dapat inexpect ko na yun, pero nagulat pa rin ako. Hindi ko na rin yata kinokontrol yung kilos ko, binalot ko yung mga daliri ko sa bukol niya, sabay mahabang himas. Narinig ko na naman yung kakaibang ingay galing sa kanya, parang magkahalong gulat, singhal at ungol. Ang sarap pakinggan, kelangan marinig ko ulet.
“A-anong ginagawa mo?” nangangatog niyang tanong.
Para akong virgin ulet, inaaral ng mga daliri ko yung hubog ni Kelly. Diniin ko yung hinlalaki ko sa ulo ng burat niya, pumintig to ng mga dalawang beses.
“Hindi ko alam,” umamin ako. “Kelangan turuan mo ko sa ganito.”
Hinimas ko ulit yung palad ko sa nakabakat na tite nya, at napatingala na si Kelly habang nakahiga. Sorry hindi ko mai-put into words ng maayos pero basta, higang-higa yung posisyon niya.
“Totoo ba to?” Sabi niya. Pero parang kisame yung tinanungan niya, so hindi ko na siya pinansin. Pinuwesto ko yung mga daliri ko sa garter ng boxers at shorts ni Kelly at sinubukang hubuan siya. Subok ang operative word.
Dahil nga masikip, hindi sinasadyang masipa ako ni Kelly sa mukha - mga seven times siguro - pero success din naman yung pagkakatanggal ko sa mga pam-ibaba niya. Balik kami sa pwesto na nakahiga siya, nakatukod yung siko at nakapa-ikot ulit sa akin yung legs niya. Mas mukha nga lang siyang ninenerbyos ngayon. Ang taba ng burat niya at hindi ko maiwasang titigan yon. Madaming beses ko na yong nakita pero never na erect - ibang-iba pala talaga. Nawi-wirduhan talaga akong tumingin ng tite ng iba, pero iba itong kay Kelly. At naisip ko, ang bakla-bakla nitong ginagawa namin.
Pero wala na kong pakialam.
Hinihimas ko yung hita niya papuntang singit, nung tinakpan ni Kelly si manoy niya.
“Hindi mo naman tong ginagawa para lang hindi na ako magalit sa yo dahil sa kanina?” Tanong niya.
“Alam mo Kelly, hindi kita chuchupain para makapagsorry,” sagot ko. “Hindi naman ako ganon kabait.”
“Tangina,” napapikit si Kelly. Jinakol niya yung sarili niya, mabilis at marahas, para bang sobra siyang na-turn on sa sagot ko kaya kelangan niyang magbate. Nung dumilat na sya, halos libog na lang nakikita ko sa mga mata niya.
“Ikaw rin,” tumango siya sa akin. “Ilabas mo yang burat mo.”
Wala na yatang mas bibilis pa sa paghubad ko ng mga damit na suot ko nun. Pero na-conscious lang ako nung tinititigan na ako ni Kelly - hubo't hubad na nakaupo sa harap niya. Ang daya pa nga eh, naka-tshirt pa rin siya, hindi ko man lang makita yung toned niyang katawan, walang abs pero oks naman. Jinakol ko rin sandali yung tite ko, mejo matigas na siya simula nung pumasok ako sa kuwarto nila, lumalala lang nung nag-usap na kami. Mas mainit si manoy ngayon, lalo na nung tinitignan ako ni Kelly. Sinubukan kong wag nerbyosin, kasi ang weird nitong nangyayari sa amin.
“Shit,” napa-singhal si Kelly habang palipat-lipat yung titig niya sa mga burat namin. “Hindi pa ko nakakaranas talaga ng gay sex, so kung nag-eexpect ka na magaling ako dito or super sarap ng mangyayar-“
Pinutol ko yung sentence nya. Umurong ako papalapit sabay halik sa kanya.
Siguro dahil hubad na nga kami or wala nang issue ng kalasingan, mas ok itong “magkapatong kami ni Kelly” na part. Pansamantalang naipit sa gitna namin yung isang kamay ni Kelly, nung nailabas niya yun, hinimas himas niya yung likod ko habang yung isa, pinang suklay suklay niya sa buhok ko. Naramdaman kong kumikiskis yung burat niya sa tyan ko, pati na rin sa tite ko. Umulos ako pababa, pinadiin pa yung kiskisan namin hanggang sa parang hinihingal na siya sa laplapan namin. Hindi na nga mailapat ni Kelly yung labi niya sa akin, yung baba ko na nga yung hinahalikan niya. Naisip ko na ito na siguro ang pinakamasarap na sex na mararanasan ko-
Eh biglang narinig namin yung boses ni Mike.
Biglang bumukas yung pinto, nagsasalita nang malakas si Michael, “Bati na ba kayong dalawa?”
Nawala yung labi ni Kelly sa akin, pero bago pa kami maka-react, nandun na si Michael sa tabi ng double deck, nakangiti pa ang gago.
“Are we all frien - PUTANG INA.”
Yung normal na tao, aalis na lang at isasara yng pinto, pero itong si Mike, tumayo lang habang tinitignan kami.
“Nagsesex kayo?!” sigaw niya, parang personally offended ang gago.
“Hinde!” sagot ni Kelly.
“OO.” Ako na ang nagcorrect.
“Tangina,” sabi ni Mike, kinuha yung nakasampay na tuwalya ni Kelly at pa-itsang inilatag sa amin para matakpan kami siguro. “Lucas! Lucas! Nagsesex sila dito!”
“Ano?!” Sagot ni Lucas, mukhang nasa first floor pa rin siya, mahina yung boses.
“Nagsesex sila! Patay malisya lang! Maliit na bagay, dalawang straight na barako, nagkakantutan!”
“Hoy!” Sumigaw na rin ako. Sabi ni Henry, fluid daw yung sexuality!”
“Ano bang gulo dyan?!” Si Lucas ulit. “Hindi kita maintindihan Mike! Bumaba ka nga dito!”
Umalis din si Mike at isinara yung pinto. Tumahimik kaming dalawa, titigan lang. Napabuntong hininga ako at ibinaba ko yung mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. Buntong hininga ulit. Nagsimula nang manlambot si manoy.
Medyo gumalaw si Kelly sa ilalim, tigas na tigas pa rin pala siya kahit may nakakita sa amin.
“Seryoso ka ba kanina na sinabi mo na chuchupain mo ko?” Nakangisi niyang tanong sa akin.
Ngumiti rin ako. Mahal ko si Kelly. Lagi kaming masaya kapag magkasama kami. Aayos lang lalo siguro yung mga bagay-bagay ngayong alam kong payag pala siyang makipagsex din sa akin.
Si Kelly ang exception sa pagiging straight ko. At wala akong problema dun.
“Malay mo,” sinabi ko habang pababa ako dun sa body part na simula ng pag-aaral namin ng totoong gay sex.

No comments:

Post a Comment