Tenth Floor (Part 6)

Tenth Floor (Part 6)
By: Terrence

Almost 1 hour na nung umalis si Michael. Akala nya tulog na ako kaya pasimple at dahan dahan syang umalis. Pero hindi nya alam na gising na gising ako. Nakapikit lang ang aking mga mata. Hindi na ako makatulog pero mas lalong nagising ang diwa ko nang may ginawa sya na di ko inaasahan.

Dahan dahan syang umayos ng pagkakahiga. Inilapit nya ang mukha nya sa akin. Hinawi ang buhok ko. Hinimas ang noo ko papuntang pisngi. At binigyan ako ng matamis na halik sabay mahinang nagsabi ng....

"I love you Terrence!"

Tangina! Mas lalo akong naguluhan. Posible ba talaga na mahal nya ako? Pwede ba na magmahal ng dalawang tao ng sabay? Paano si Brandon? Ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ito? Ano na ang mangyayari? Ganun na lang ba yun? Ang gulo!

Mag-aalas sais na pero di pa din ako makatulog. Gusto nang matulog ng katawan ko pero parang bangag sa droga ang utak ko na gising na gising. Lumabas ako ng kwarto ng naka boxer brief lang. Yun naman ang ginagawa ko palagi tutal mag-isa lang ako. Pilit kong inaalis si Michael at Brandon sa isip ko. Nagpakulo ako ng tubig at kumuha ng cup noodles. Medyo gutom na din kasi ako. Pagkatapos ay agad akong pumwesto sa harap ng TV. Nang maubos ko ang noodle ay agad akong kumuha ng gamot sa sakit ng ulo. Ramdam ko kasi ang pagkirot ng sintido ko. Medyo mainit ako. Mukhang lalagnatin pa yata. Pagkainum ng gamot ay agad akong nahiga sa sofa. Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng mga mata ko. Hanggang tuluyan na akong nakatulog.


Mag-aalas singko na ng hapon nang magising ako dahil sa isang malakas na katok sa pinto. Dahil sa gulat ay napaigtad ako sa sofa. Saglit kong inayos ang sarili ko at lumakad papuntang pinto. Medyo gegewang gewang pa ako dahil sa antok. Agad kong binuksan ang pinto at ang gulat na mukha ni Aldo ang bumulaga sa akin.

"Uy. Aldo? Naparito ka?" tanong ko habang nagkukusot ng mata.

"Langya Sir. Ang tambok naman nyan? Hahaha!" ang natatawang tugon ni Aldo habang nakatingin sa harap ko.

Nuong una ay di ko naget ang sinabi nya. Pero nung kalaunan ay nataauhan na ako. Agad akong napayuko. Naalala ko na nakaboxer brief lang ako. Kitang kita pa ang bakat na bakat kong ari mula sa loob ng boxer brief ko. Normal lang naman sa lalaki na tinitigasan habang natutulog di ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang natauhan. Agad kong tinakpang ang nagagalit kong ari.

"Hahaha. Mukhang malaki Sir ah." biro ni Aldo.

"Sir ulo ka. Bastos!" sabay talikod papasok ng banyo para kumuha ng twalyang pantakip. Sumunod naman si Aldo.

"Naparito ka?" agad kong tanong pagkatakip ng twalya.

"Sungit naman. Hindi mo ba ako namiss?" pabirong tanong nya.

"Ugok!" ang sagot ko.

"Joke lang. Pinapasabi kasi ni Manong Ramil na may session mamayang alas onse sa roof top. Kami lang naman nina Manong Nestor ang mag-iinum. Wala si Chief kaya pwede. Hehehe." natatawang sabi ni Aldo.

"Ay ganun ba?" napapaisip na tugon ko. Pinakiramdaman ko din ang sarili ko dahil kanina lang umaga ay parang lalagnatin ako. Nang matantya ko na ok na ako. "Sige. Pakisabi na lang kay Manong Ramil na pupunta ako."

"Ayos! Sige asahan ka namin. Basta tayu tayo lang ang nakakaalam ha?" paalala ni Aldo.

"Alam ko namang bawal kaya walang makakaalam. Paano nga pala ako makakapunta dun" tanong ko kay Aldo.

"Mula sa elevator pindutin mo yung 20th floor. Paglabas mo lakad ka pakanan. Nasa dulo yung pinto papanik sa roof top. Nakalock palagi yun. Itext mo na lang ako kapag nandun ka na. Ibigay ko sa iyo ang number ko." Sagot ni Aldo.

Agad akong pumunta sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Pagka kuha ko ay agad akong lumabas.

"Ok. Anong number mo?" tanong ko sa kanya sabay akmang magtatype ng number sa phone ko.

"0916572****" Sabi ni Aldo. "Tawagan mo ako Sir para makuha ko ang number mo."

Agad kong pinagring ang cellphone nya.

"Ayos Sir. Ok na. Kita na lang tayo mamaya." sabay paalam ni Aldo.

Maghapon akong tulog kaya hindi na ako nakapagtanghalian. Ramdam ko na ang pagkulo ng sikmura ko. Agad ako nagpunta ng kwarto at nagsuot ng shorts. Inayos ko na din ang nagkalat kong pantalon, polo at sando sa sahig. Kitang kita ko pa ang bakas ng pinaghalong tamod namin ni Michael. Alam ko naman ang amoy ng tamod pero bakit parang mamahaling pabango ang amoy ko nung inamoy ko ang sando na yun. Nakakaaddict.

Pagkalabas ko ng kwarto ay binuksan ko ang ref. Ano kaya ang kakainin ko? Tumama sa mata ko ang patatas at sibuyas. Agad kong ito inilabas. Binuksan ko ang cabinet sa kusina. Alam ko na ang iuulam ko. Ang aking paborito. Corned Beef!

Alas diyes y medya nang makatanggap ako ng text mula kay Aldo.

** Sir Terrence. Aldo to. Eto papanhik na kami ni Manong Ramil papuntang roof top para ayusin ang pag-iinuman natin. Text kita kapag nakaset na. ** ang text ni Aldo.

** Ok sige. Maliligo lang ako. ** reply ko sa kanya.

Natapos ko na ang paghuhugas ng mga pinagkainan ko. Medyo madami ang corned beef na nailuto ko kaya inilagay ko ito sa tupperware para maipulutan namin. Kumuha din ako ng konting chichirya mula sa grocery bag ko para dalhin sa itaas. Nang maayos ko ang mga dadalhin ay agad akong naligo at nagbihis. Tutal ay sa rooftop lang naman ang punta ko kaya nagdamit pambahay na lang ako. Jersey shorts, plain white na sleeve less t-shirt at hoodie jacket. Alam ko na medyo malamig sa roof top.

Maya maya ay muling tumunog ang cellphone ko.

** Sir Terrence. Ok na! Punta ka na. ** text ni Aldo.

** Ok. Papunta na ako. ** reply ko sa kanya.

Eksaktong alas onse nang pumanik ako sa 20th floor bitbit ang mga pupulutanin namin. Gaya nang sabi ni Aldo lumakad ako pakanan papunta sa dulong pinto. Pagdating sa harap ng pinto ay agad ko itong binuksan. Ayaw magbukas. Nakalock. Agad kong itinext si Aldo.

** Dito na ako sa may pinto. Nakalock. Hindi ko mabuksan. ** text ko sa kay Aldo

** Anjan na ako Sir. ** sagot nya.

Maya maya ay narinig ko ang isang nagmamadaling yabag pababa ng hagdanan. Ilang saglit pa at narinig ko ang pagclick ng lock. Bumukas ang pinto at ang nakangiting si Aldo ang bumungad sa akin. Eto na naman ako natulala. Ang gwapo talaga ng mokong na yun. Nakajersey shorts sya at sando. Kaya kitang kita ko ang malapad na dibdib at hubog na hubog nyang mga braso.

"Sir! Halika sa taas!" excited na aya ni Aldo.

Medyo nagulat ako sa bigla nyang pagsalita.

"Eto nga pala. Konting corned beef at chichirya pang pulutan natin." sabay abot kay Aldo.

"Naku Sir dapat di ka na nag-abala. Nakakahiya naman." nahihiyang sabi ni Aldo.

"Ano ka ba? Ok lang yan. Minsan lang naman ito." tugon ko sa kanya.

Pumanik na kami ni Aldo papakyat sa roof top. Nauuna ng konti si Aldo sa akin kaya nagawa kong tingnan ang puwetan nya. May katambukan din naman. Nakakailang baitang pa lang ako ay tanaw ko na ang paligid. Ang nagtataasang building, ang Manila Bay, ang mga ilaw. Mukhang hindi kami uulanin dahil madaming bituin sa langit. At tama ako dahil malamig nga. Buti na lang at nagsuot ako ng jacket.

Pagdating sa dulo ng hagdanan ay bumungad sa akin ang swimming pool. Bukas ang ilaw sa paligid kaya nakita ko agad ang hitsura ng swimming area. Maganda talaga. Parang sosyal na private spa. May mga sun bathing chair. May round tables na may tig-apat na silya. Sa may dulo naman ang mini bar kung saan sila nagset. Kita ko na sina Manong Nestor at Ramil mula sa kinatatayuan ko na nakakaway sa akin. Agad akong lumapit sa kanila.

"Sir! Ayan ha? Natupad na pangako ko sa iyo." bungad ni Manong Ramil.

"Hahaha. Oo nga. Kaya lang wag sana tayo mahuli at parepareho tayo malilintikan." natatawang sagot ko.

"Ok lang yan Sir. Wala naman si Chief. Tsaka kasundo namin yun nasa frontdesk ngayon. Sinabihan namin na warningan kami kapag dumating si Chief. Safe tayo." sabi ni Manong Nestor.

"Sir! Dito ka na umupo sa tabi ko." aya ni Aldo sa akin.

Agad ako lumapit at umupo sa tabi ni Aldo.

"Sya nga pala. Wag nyo na ako tawaging Sir. Masyadong pormal. Dalawang buwan na ako dito. Kung tutuusin tropa tropa na tayo. Terrence na lang." pakiusap ko sa kanila.

"Sige ba. Mula ngayon Terrence na lang ang itatawag namin sa iyo. Kaya lang parang nakakaasiwa. Nasanay na kasi kami." sagot ni Manong Ramil.

"Sa una lang yan. Makakasanayan nyo rin na tawagin ako na Terrence" sagot ko sa kanya. "Sya nga pala. Anong merong at nagset kayo?"

"Wala naman. Nagkaayaan lang. Tagal na din kasi namin hindi nakakapag-inuman. Ngayon lang nagkasabay ang schedule naming tatlo." sagot ni Manong Ramil.

"At mapera 'tong si Aldo. Galing 10th floor nung isang araw e. Hahahaha!" malakas na tawa ni Manong Nestor.

Agad na binigyan ng mahinang suntok ni Aldo si Manong Nestor sa braso.

"Si Manong talaga. Huwag kang ganyan. Baka kung anong isipin ni Terrence." medyo nahihiyang sagot ni Aldo sabay tingin sa akin at ngumiti.

Napaisip ako. Gusto ko sanang tanungin si Aldo sa kung ano ba ang meron sa 10th floor dahil naiintriga talaga ako. Pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay wala naman ako karapatan na mang-usisa.

Inilabas ni Aldo ang isang litro ng Emperador Lights.

"Iyan ba ang iinumin natin?" medyo kinabahan kong tanong.

"Yup! Bakit?" tanong ni Aldo.

"First time kong iinum nyan e. Hindi ako sanay." sagot ko sa kanya.

"Ganun ba. Ano ba ang iniinum mo Terrence? Bababa ako at bibili sa may tindahan." alok ni Manong Nestor.

"Hindi na Manong. Ok na ito. Bababaan nyo na lang ang tagay para hindi ako agad malasing." pagpigil ko kay Manong Nestor.

"Sigurado ka?" tanong nya.

"Oo Manong. Ok na ito." sagot ko sa kanya na medyo nag-aalala sa sasapitin ko sa pag-inum ko ng hard drink.

Agad binuksan ni Aldo ang alak. At gaya nang nakagawian ay nagtapon sya ng konti bago naglagay sa jigger. Nagsalin ng tubig sa baso para ipangchaser sa alak. Sabi nila mas ok daw na chaser ang tubig kesa sa juice dahil wala daw hangover.

"Ok. Simulan ko na ha?" paalam ni Aldo.

Pagkashot ay muli nyang nilagyan ang jigger at ipinasa kay Manong Ramil. Mukhang manginginum itong si Manong Ramil dahil ininum nya ang alak nang hindi na nagchaser.

"Nakupo. Ayan ka na naman Ramil. Hindi ka na naman magchechaser. Mamaya ikaw na naman ang unang babagsak!" biro ni Manong Nestor.

"Ano ka ba? Ganun naman talaga ang tamang pag-inum ng alak. Tingnan mo yung mga foreigner kapag umiinum. Baso lang at yelo. Ayun na. Sosyal!" depensa ni Manong Ramil.

"Bakit? Hindi ka naman foreigner ah. Sa kulay mo at hitsura ng ilong mo e Pinoy na Pinoy ka kaya huwag kang magpakasosyal dyan. Hahahaha! pang-aasar ni Aldo sabay apir kay Mang Nestor.

"Terrence ikaw na. Konti lang yan ha?" sabay abot ng jigger na may alak.

Pagkaabot nya ay naamoy ko agad ang tapang nito. Nanunuot sa ilong. Hinawakan ko ang baso ng tubig sabay hugot ng malalim na hininga. Mabilis kong ininum ang alak. Ramdam na ramdam ko ang init at konting sakit habang dumadaan ang alak sa lalamunan ko. Biglang nag-init din ang aking pakiramdam. Agad akong uminum ng tubig. Halos maubos ko ang isang baso. Lukot at halos hindi maipinta ang mukha ko.

Maya maya ay narinig ko ang paghagikhik ni Aldo sa tabi ko. Napatingin din ako sa dalawa ko pang kainuman na parehong nagpipigil ng tawa. Narealize ko na lang na pinagtatawanan nila ang naging reaksyon ko matapos kong inumin ang alak.

"Wag nyong pigilan at baka sa iba lumabas yan. Mamamaho tayo dito. Hahahaha!" sagot ko sabay tawa.

Dun na nagsimulang maghagalpakan sa tawa ang tatlo kong kainuman.

Nagsimula ang masaya naming inuman at kwentuhan. Ang dami kong nalaman sa kanilang tatlo. Si Manong Nestor ay 48 years old na. May asawa at dalawang anak na nasa Samar. Si Manong Ramil naman ay 50 years old. Nabyudo at muling nakapag-asawa. May apat na anak. Tatlo sa una at isa dun sa pangalawa. Lahat sila ay nasa Catanduanes nakatira. Magkasama sa boarding house sina Manong Nestor at Ramil. Si Aldo naman ay kaidaran ko. Pareho kaming 21 years old. Binata pa din sya at walang kasintahan. Ulila na sa magulang. Bunso sa anim na magkakapatid. Sa panganay na kapatid nya sya nakapisan. Nakatira sila sa Caloocan. Pero sa Isabela ang probinsya nila. Hindi na nakapagkolehiyo si Aldo. Graduating sya ng high school nang halos sabay na mamatay ang mga magulang nya. Una ay ang kanyang ina ng dahil sa pneumonia. Makalipas ang isang buwan ay pumanaw naman ang kanyang ama ng dahil sa sakit sa bato. Halos maubos ang pera at ari arian nila sa pagpapagamot ng ina at pagdadialysis ng ama. Dahil wala na ang mga magulang na nagpapaaral sa kanya at pareparehong may pamilya na ang mga kapatid, napagpasyahan nya na hindi na lang magkolehiyo bagkus ay nagtrabaho na lang sya para suportahan ang sarili.

Binuksan ni Aldo ang pangalawang bote. Lasing na si Manong Ramil dahil nauutal na sya sa pagsasalita. Hindi na din namin maintindihan minsan ang kanyang sinasabi. Si Manong Nestor naman ay may tama na din dahil namumula mula na sya. Pero maayos pa naman sya. Sanay talaga sa inuman. Si Aldo naman ay parang hindi tinatamaan. Makulit pa din at madaming kwento.

Unang beses ko uminom ng hard drink. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi pa ako tinatamaan. Namumula ako pero hindi dahil sa lasing kundi sa init ng katawan ko gawa ng alak. Malamig ang panahon pero nagbubutil ang pawis ko.

"Terrence pinagpapawisan ka na oh!" sabi ni Aldo sabay punas sa noo ko. "Tanggalin mo kaya ang jacket mo."

Agad kong tinanggal ang jacket ko. At isinabit sa sandalan ng upuuan ko.

"Ganda ng katawan natin ah! Naggygym ka?" tanong ni Aldo.

"Hindi. Swimmer kasi ako dati mula high school at college kaya medyo batak ang katawan ko." sagot ko sa kanya.

Maya maya ay nagring ang cellphone ni Aldo. Nagpasintabi ito sa amin at agad na lumayo. Pumwesto sya sa isa sa mga sun bathing chair na nasa dulo. Napangiti na lang si Manong Nestor. Kinuha nya ang bote ng alak at sya ang nagtanggero.

Ang dami naming napagkwentuhan ni Manong Nestor. Lahat na yata ng chismis sa condo ay alam nya. Kung sino ang demanding, ang masungit, ang mabait, ang drug addict, ang takusa, ang kabit ng politiko, at kung anu ano pa. Tawa lang kami ng tawa habang si Manong Ramil ay naka dukmo na sa lamesa at si Aldo ay may kausap sa cellphone.

Medyo mataas ang tagay ni Manong Nestor kaya unti unti kong naramdaman ang pagtama ng alak.

Halos kalahati na ang Emperador Lights na iniinum namin nang magpaalam si Manong Nestor.

"Terrence hanggang dito na lang muna. Lasing na itong si Ramil. Bibitbitin ko pa ito pauwi. At saka lasing na din ako." paalam ni Manong Nestor.

"Ganun ba? Kaya nyo po ba? Tulungan ko na kayo? Sagot ko.

"Hindi na. Kaya ko na 'to. Kayo na bahalang umubos nyan. Si Aldo na ang bahalang magligpit nyan pagkatapos nyo." sabi ni Manong Nestor.

Iniakbay ni Manong Nestor si Manong Ramil sa kanya. Pinanood ko na lamang sila habang pagewang gewang na naglalakad pababa ng 20th floor. Tumingin ako sa relos ko. Alas tres na pala ng umaga. Agad kong nilapitan si Aldo.

"Ald....." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nakita ko si Aldo na nakahiga sa sun bathing chair at natutulog.

Nakapatong ang kanang kamay sa dibdib habang hawak ng kaliwang kamay ang cellphone. Nakabukaka ito habang natutulog kaya bakat na bakat ang alaga nito mula sa shorts nya.

Naalala ko na naman ang eksena nya sa quarter nila habang nagpapaligaya sya. Nagsimulang maglikot ang isip ko. Umupo ako sa tabi nya na nakaharap sa kanya.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Pinagmasdan ko itong mabuti.

"Ang gwapo talaga ng gagong ito." ang sabi ko sa sarili ko.

Itinapat ko ang ilong ko sa nakanganga na kaunting bibig nya at inamoy ang hininga nito.

"Infairness! Mabango." kinikilig na sabi ko sa isip ko.

Bumaba ang mga mata ko sa mga matatambok na dibdib nya. Bumabakat mula sa sando nya ang kanyang mga utong. Dahil sa tanawing iyon ay para bang may demonyong sumapi sa mga kamay ko. Dahan dahan na idinampi ko ang aking mga palad sa dibdib ni Aldo. Agad ko din naman itong inaalis dahil sa takot na magising si Aldo. Muli ay idinampi ang palad ko sa dibdib nya. Iginapang ko ito papuntang utong nya. Parang kinukuryente ang katawan ko habang pinaglalaruan ako ang nipples ni Aldo. Ramdam ko na din ang unti unting pagkabuhay ng alaga ko. Agad kong pinagapang ang kamay ko sa tiyan ni Aldo. Ramdam ko ang katigasan ng mga abs nito. Wala na akong ginawa kundi ang lumunok ng lumunok.

Habang nagpipyesta ang mga kamay ko sa abs ni Aldo ay muli akong napatingin sa nakaumbok na bagay mula sa loob ng shorts niya. Muli na naman ako napapalunok dala ng pagkatakam. May pag-aalinlangan din sa isip ko na hawakan yun dahil baka magising si Aldo at magalit sa akin. Pero dahil na din sa alak ay lumakas ang loob ko. Humugot ako ng malalim na hininga sabay dakma sa nakabukol na bagay sa harap ni Aldo.

Nagulat ako nang mahawakan ko ito. Matigas na ito at galit na galit. Kinabahan ako kaya agad kong inalis ang kamay ko sabay tayo.

Akmang babalik na ako sa lamesa nang biglang may humatak sa kamay ko. Gising si Aldo. Dahil sa lakas ng paghatak nya ay muli akong napaupo sa tabi nya.

"Kung gusto mo Terrence walang problema sa akin." sabi ni Aldo habang nakapikit.

"Sabi ko naman sa iyo dati di ba? Kapag kailangan mo ako tawagan mo lang ako at agad kitang pupuntahan." salita ni Aldo habang nakapikit pa din at hawak ang mga kamay ko.

Nagmulat ng mga mata si Aldo at nakangiting tumingin sa akin. Hindi ako halos makatingin sa kanya sa sobrang pagkabigla at hiya. Gusto kong tumayo at bumaba na pero mahigpit ang pagkakakapit ni Aldo sa mga kamay ko.

"Alam ko na pinapanuod mo ako dati." rebelasyon ni Aldo na lalong nagpakaba sa akin.

"Alam mo ba na libog na libog ako habang tinitingnan ko ang mga mata mong nakasilip sa awang ng pinto?" medyo malademonyo na ang ngiti ni Aldo.

"Kita ko ang pagnanasa sa mata mo. Ramdam ko na gusto mong pumasok sa loob at angkinin ako. Gusto kita lapitan nun pero alam ko na tatakbo ka lang. Kaya hinayaan ko na lang na panuorin mo ako." sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ikaw ang iniisip ko nun kaya sarap na sarap ako sa ginagawa ko." ang sabi ni Aldo na nagpalaki sa mga mata ko.

"Eto na ang pagkakataon natin Terrence. Angkinin mo ako hangga't gusto mo. Hindi kita pipigilan. Sa iyo ito ngayon." Sabay pikit.

Ramdam ko na unti unti nyang ibinababa ang kamay ko papunta sa alaga nya. Para akong nahipnotismo na sumunod lamang sa nais nyang mangyari. Pagkadako ng kamay ko sa harap ng shorts nya ay agad nya akong binitawan. Para bang nagsasabi na ikaw na ang bahala.

Dahan dahan kong hinimas ang ari ni Aldo. Ramdam na ramdam ko ang katigasan at kahabaan nito. Napapabuntong hininga lang ako habang hinihimas ang alaga nya.

Hinawakan ko ang garter ng shorts at brief nya. Akmang ibababa ito. Tumingin muna ako kay Aldo para magpaalam. Subalit nakapikit ito at nakangiti lamang. Handa sa mga mangyayari. Sumasang-ayon sa nais kong gawin.

Dahan dahan kong hinatak ang shorts at brief nya. Sumisilip na ang ulo ng ari nyang nakabaling sa kaliwa. Konting baba pa ay iigkas na ito. Nang biglang madinig ko ang pagbagsak ng entrance door papanik ng roof top. Kasabay nito ang tunog ng bawat hakbang papanik ng hagdanan. Dahil sa takot ay agad akong tumayo at tumakbo papunta sa banyong malapit mula sa kinahihigan ni Aldo. Dahan dahan kong isinarado ang pinto nito. At naupo sa inidoro.

Maya maya ay may narinig ako na pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ni Aldo.

"Aldo!" tawag ng pamilyar na boses.

"Andyan ka pala!" sagot ng isa pang lalaki na pamilyar din ang boses.

Dalawa silang pumanik sa rooftop.

"Dalawa kayo ulit?" dinig ko na tanong ni Aldo sa kausap

"Oo. Kaya mo naman di ba?" tanong ng isang lalaki.

Dahan dahan akong tumayo. May maliit na bintana sa itaas ng banyo. Tumuntong ako sa inodoro at sumilip sa labas. Nuong una ay hindi ko makita ang mukha ng dalawang lalaki. Dahil parehong nakaupo ito sa magkabilang gilid na nakaharap kay Aldo at nakatalikod sa CR kung saan ako nagtatago. Maya maya pa ay halos sabay na lumingon ang parehong kausap ni Aldo na nagpalaki sa aking mga mata.

"Si Brandon at Jerry.....!"

(Itutuloy)

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.