School Flowerboys (Part 3)

School Flowerboys (Part 3)
By: DreamCatcher

(Tungkol dun sa isyung panggagaya sa Sundae ni Mr. Chaster Rassel...di ko po kinopya ang kuwento niyo at wala po akong balak gawin yun. Isa po kayong napakagaling na manunulat, ngunit sabihin man nating cliche' na ang mga estoryang tulad nito, pero parehong ganito ang gusto nating mangyari sa ating mga buhay. Ang bagay na pareho nating mahal ay di dapat pinag-aawayan. Kung na offend man po kayo-pasensya na po. Pero ang nais ko lang ay magbahagi... sana'y ang karapatang mayroon kayo ay ibigay niyo rin sa akin.In this type of community we're living in.. the only people we can cling to is to each other. "I love you" Mr. Chaster Rassel)

Nung una di niya alam kung ano ang dapat niyang gawin… kaya’t yung BOBO naka tunganga lang.

Ako: HOY! Hindi mo ba ako papasukin? Akala ko gusto mong magpaturong mag-gitara?

Mukhang natauhan siya kaya’t di niya mapakaleng sinabi….


Jay: Ahh oh sige tuloy.. tuloy ka.
Ako: Akala ko nagbago na ang isip mo? (at sinamahan ko nang kindat… para pang asar)
Jay: Ayan ka nanaman! Tigilan mo yan! Uupakan talaga kita! Kung hindi ko lang talaga kailangang matuto mag gitara! (pero mukhang pulang-pula yung mukha nung PUTA!)

Pero sa kabila nun…. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag…. Siguro kailangan lang talaga, para mas malaki ang grade namin diba?! Diba?!! Putan-pusang-kulay-pink ano bang pumasok sa isip ko? Nandito narin ako diba, wala nang atrasan baka mapagbintangan pa akong bahag ang buntot.
Una pinaupo niya ako sa sala nila…. Nakakatawa kasi si Mrs. Sandoval nakatayo banda sa may Dining Area at nakatunganga sa akin... siguro gulat parin siya. Mukha ngang nakakita nang multo.. pero sa gwapo kung to… ako pa yung multo?

Sa totoo lang pareho lang ang set-up nang pamilya nila sa amin… tatlo lang rin sila at si Jay ang nag iisa nilang anak. Kaya siguro magkasundong-magkasundo ang mga magulang namin.
Binigyan ako nang demonyo nang juice… na nag dadalawang isip ko pang tinanggap…

Jay: Hoy GAGO! Walang lason yan! Tanungin mo pa si Mama.

Tumingin ako sa direksyon ni Mrs. Sandoval at mukhang hindi niya narinig yung sinabi ni Jay, at nakakahiya kayang magtanong. May tiwala ako kay Mrs. Sandoval, pero sa anak niyang demonyo..?

Ako: Sige nga, Inuman mo tong baso ko. (iniabot ko sa kanya.)
Jay: Akin na! (ininuman niya nang kaunti)..oh masaya ka na?! (mukhang na irita yata)
Ako: Okay na… sige akin nayang juice (kinuha ko yung baso sa kanya at uminom na ako.)

Habang umiinom ako… dun ko natandaan… PUTANG-KALABAW-NA-VIRGIN! Hindi ako naniniwala sa INDIRECT KISS!! Pero pucha!!! KISS parin yun kahit sa baso lang!! At mukhang na realize din nung mokong.. aba namula yung tenga!! Hindi tuloy kami makatingin sa isa’t-isa. Kinontrol ko ang sarili ko at nagpanggap na wala lang iyon para sa akin. Matapos nun, inaya na niya ako sa kwarto niya at duon na lang daw kami mag ii-ensayo. Bago kami pumunta sa kwarto niya nagpaalam muna sya sa nanay niya….

Jay: Ma, dun lang kami sa kwarto….
Mrs. Sandoval: Huh? (mukhang gulat na gulat) anong gagawin niyo dun nak? Ambabata niyo pa!

Hindi ko napigilin ang sarili ko… kayat tumawa ako nang napakalakas!! Ano kayang iniisip Mrs. Sandoval?!

Jay: MA! Ano ba naman… magpapaturo lang akong mag-gitara! (galit niyang sagot)
Mrs. Sandoval: (mukhang natauhan) ahh ganun bah.. pasensya na nak! Akala ko kasi….?
Jay: Ma! Wag na please?

Dali-dali nang pumaitas si Jay… at minadali niya rin ako. Hiyang-hiya yung MOKONG pero kung ako yun..nako di ko rin alam ang gagawin ko! HAHAHAH!! Umasa ba naman yung Mama niya na papatol ako sa anak niya? HAHAHHAHAH!!! Hindi magiging option yang Jay nayan sa buhay ko at babae lang ang gusto ko noh! Hindi ako papatol sa walang PUKE!
Aba maayos, maaliwalas, mabango, at ang ganda nung kwarto niya! Mas maayos kesa sa akin at andaming action figures, karamihan Superman paborito raw niya!! Napaka childish ng POTA!!

Ako: Kung alam ko lang.. crush mo si Superman!
Jay: At kung alam ko lang.. gusto mo maging WONDER WOMAN!
Ako: kita mo tong gitarang hawak ko? Aabot to sa mukha mo!
Jay: Kita mo tong keyboard? Bago paman umabot yung gitara mo matatamaan ka na nito!

Pareho nang naka taas ang mga hawak namin, keyboard sa kanya at gitara sa akin… nang biglang kumatok si Mrs. Sandoval.

Jay: Oh! umayos ka nang upo! (mukhang nataranta)
Ako: Bakit, takot ka sa nanay mo?
Jay: Fuck you! NO!

At Nagsalita si Mrs. Sandoval….

Mrs. Sandoval: Nak lalabas ako… mamamalengke lang, ikaw na munang bahala sa bahay ha? At tsaka wag mong aawayin yang bisita mo!
Jay: Okay ma.. ingat.

At nung umalis na nga yung nanay niya….

Ako: OH! Baka gusto mo totohanin yung hinihinala nang Mama mo? HAHAHHAHAHAHAHA
Jay: (namula na naman) Tumahimik ka nga at mag simula na nga lang tayo.
Ako: Ano? Ngayon na? saan mo gusto.. dito sa kama o sa sahig? (pang-iinis ko sa kanya)
Jay: Puchak ka talaga! (at binatukan niya ako sa ulo)
Ako: Aray! Okay nah.. sige… tuturuan na kita. Pero baka magbago isip mo? Hahahahha
Jay: Sige Isa nalang ma dedemonyohan ka!

Kaya’t ayun tumigil na muna ako sa pang-aasar at sinimulan ko na siyang turuan. Sa totoo lang alam niya ang ilang basics, pero wala pang nagturo talaga nang masinsinan sa kanya sa pag gi-gitara. Magkatabi kami sa paanan nang kama niya. Matalino talaga ang mokong at ang bilis natuto…. Medyo may mali-mali pero mukhang aabot to bago ang presentation. Paminsan di maabot nang daliri niya yung string at yung pang kaskas niya na kuko mukhang namumula na, at walang kamalay-malay….. hinawakan ko yung namumula niyang daliri at pinisil pisil parang minamasahe…..
Ako: sa una sasakit talaga yang daliri mo… kasi di pa sanay.. pero.(at natauhan ako sa ginagawa ko.)

Nung ini-angat ko yung ulo ko… yung mukha niya nakabaling na sa ibang direksyon. Mahiyain talaga ang bwesit, kahit ang kapal nang pagmumukha niya!! Ano bang problema nito, mukhang may gusto yata sa akin?! YUCK!

Ako: Hoy! Sige na balik na sa trabaho.
Jay: Pwede lumayo ka muna.. para makapag concentrate ako?
Ako: Bakit? Nagiging distraction mo ba ako?
Jay: HAH! Nakakainis lang yang pagmumukha mo!
Ako: oh ano? Sisimulan mo nanaman ako?
Jay: tumahimik ka na nga lang!

Siguro sa tagal niyang mag concentrate sa pag gi-gitara naka tulog na ako sa kama niya… ang lambot kasi.. mukhang tinatawag ako, at dahil good listener ako… sinundan ko ang tinig nang kama.
Nagising ako na may tumatapik sa balikat ko.. at may pagka-sundalo ako kaya’t nahatak ko nang malakas yung kamay, at inilagay yung kabilang kamay sa leeg nung tao. Parang hostage taker position…na hawak-hawak yung biktima sa leeg… pero nakahiga nga lang. Nakapaibabaw na siya ngayon….. at nag pupumiglas.

Jay: Puta ka! (nabibilaukan niyang sagot dahil hindi ko parin siya binibitawan) Hoy! Ramdam ko yung TITI mo! Bitawan mo nga ako!

Imbes na kumawala…. Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya at binulungan siya….

Ako: Ang lambot pala nang pwet mo noh?

Sa inis niya siguro kaya’t nakawala siya.. at nag dali-dali siyang pumunta sa may pintuan…

Jay: (habang nakatalikod sabi niya) Gabing-gabi na….baka gusto mong mag dinner na rito?
Ako: Nako! Gabing gabi na pala?! Kelangan ko nang umuwi! Baka magalit si Mama.
Jay: Wag kang mag alala pinaalam na kita sa Mama mo. (at bumaba na siya)

Sumunod narin ako at nung pumunta ako sa may Dining Area nila.. maraming pagkaing nakahanda. Dumating narin galing sa trabaho ang Papa niya.

Mr. Sandoval: OH Jay! Umupo ka na rito at kakain na.
Ako: Nako… nakakahiya naman po.
Jay: Aba! Marunong palang mahiya?!
Mr. Sandoval: Jay! Nako iho! Hayaan mo na yang si Jay… mukhang dinudugo yata. Hahaha
Jay: Pa naman!
Ako: Mukha nga po. (at sabay kaming nagtawanan nang papa niya)

Matapos mag dinner…. Busog na busog na ako, ang sarap nung ulam at ang sarap kausap nung mga magulang niya. Di ko alam kung bakit naging ganito ang batang to?! At sa huli nagpa-alam na ako sa kanyang mga magulang at pinagsabihan pa nila akong bumalik sa susunod. Hinatid ako nang demonyo sa gate….

Ako: Isang karangalan ang maihatid nang demonyong kamahalan sa gate.
Jay: Walang anuman alipin. (ganti niya)
Ako: At aking ipinagpapasalamat ang pagkakataong maramdaman ang malambot niyong pwet kamahalan. (may ngisi kung sinabi)
Jay: At ganun din ang matigas at maliit mong pagmamay-ARI alipin.

At dumiretso na siya sa bahay nila… naiwan akung tulala. MALIIT?!! MALIIT?!! Hinatak ko ang garter nang shorts ko at tiningnan ang ARI ko…

Ako: Maliit? Ang laki kaya nito! Ipalamun ko pa to sa kanya!

At umuwi akung wala sa mood! Habang nakasabit ang katagang “MALIIT” sa isipan ko. ABA BUSHIT!! nakahiganti ang POTA!

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.