Fallen (Part 1)

Fallen (Part 1)
By: Drake Cantillon

Hi sa inyong lahat, first time q po ilalathala itong karanasan ko sa pag-ibig. Isa po akong bisexual at ang istorya pong ito ay patungkol sa pinakamalaking kamalian na nagawa ko sa'king buhay, ang naging dahilan ng pagkawala sa'kin ng aking pinakamamahal.

Ako po ay kasalukuyang 22 taong gulang ngunit 19 na taon pa lamang po ako nung nangyari ang lahat ng ito. Ako ay nag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Maynila, at kung ilalarawan ko ang aking sarili, masasabi kong ako'y may katangkaran sa taas kong 5'11'', gym-built, maputi, chinito, at sabi nila'y 'gwapong' maituturing.

Nagsimula ang lahat noong ako'y nasa ikaapat na taon sa kolehiyo, kumukuha ng kursong Civil Engineering. Kabilang ako sa isang barkadahang puno ng kalokohan, madalas napapaaway at kilala sa taglay na yabang sa aming eskwelahan. Marami na akong naging syotang mga babae ngunit kahit isa sa kanila ay hindi tumagal sa ugali ko. Inaamin ko, dati akong chickboy, basagulero, isnabero, mayabang, maangas at kung anu2 pa.


Sa aming barkadahan, hindi na lingid sa amin na karamihan sa amin ay nagkakagusto rin sa kapwa namin lalaki. First semester non ng may napagtripan kaming gawin. Naging pustahan namin na humanap ng isang freshmen na lolokohin ng isa sa amin. Sa ginawa naming pagpili, ako ang gagawa ng nasabing pustahan at kailangan kong mapaibig ang isang first year student na lalaki sa akin.

Nagsimula ang aming paghahanap para sa aming biktima ng may mamataan kaming isang bagong mukha na nakaupo sa isang bench sa may garden ng skul. Agad naman namin siyang nilapitan. Kawawang bata, hindi alam na may masama kaming binabalak sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at ako ang unang nagsalita, "Hello. New here?" Agad siyang humarap sa akin at sumagot, "Ahm, opo."

Hindi ko maipaliwanag kung anong naramdaman ko noon ngunit sa titig ng kanyang magagandang mga mata, hindi agad ako nakaisip ng susunod kong sasabihin. Siya ay isang freshmen, kumukuha ng kursong architecture. Maputi, medium-built ang pangangatawan, malambing ang tinig at higit sa lahat, GWAPO rin at may malaking potensyal na maging campus crush gaya ko balang araw. "Anong name mo?" un ang sumunod na nasabi ko matapos ang ilang minuto ng katahimikan. "I'm Jake. Nice to meet you kuya" sagot niya. "Kuya? Kung sabagay mas matanda naman talaga ako sayo. I'm Drake nga pala. Nice to meet you too Jake. Freshmen ka dba?" "Opo, kaya nga po medyo naninibago paq dito." sagot niya. Sabi ko, "Don't worry I can be your tour guide here kung gusto mo." Pumayag siya at itinaas niya ang kamay niya at nag-anyaya ng isang handshake. Napakalambot ng kamay ng batang ito. Nakalimutan kong nakasubaybay pala samin ang aking mga kabarkada. Sinitsitan ako ng isa kong kabarkada at sumenyas kung ok ba daw. Sumenyas ako ng 'aprub' ngunit may halong kaba dahil hindi ko maisip kung ano pa ang kaya kong gawin para saktan itong inosenteng lalaki na ngayo'y tila kumakatok sa puso ko. . . ITUTULOY. . .

Post a Comment

[blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.